Matteo naglublob sa tub na puno ng yelo, netizens nabahala

Matteo naglublob sa tub na puno ng yelo, netizens nabahala

MARAMI ang na-bother nang mag-post si Matteo Guidicelli ng short video kung saan inilublob niya ang sarili sa isang tub na punung-puno ng yelo at tubig.

“Lub lub” sa umaga! After a hard density workout , we jump into the ice to relax the body and mind. Good meditative moment in the ice. Stay hard my friends!”

Ito ang caption ni Matteo sa kanyang short video which he posted on his official Facebook account.

Marami ang nabahalang netizens sa post na iyon ng dyowa ni Sarah Geronimo. Many of them felt na hindi iyon healthy at puwedeng makasama sa kalusugan ng isang tao.

“I’m not sure if it’s ok but I was advised by a doctor to always have warm water when I bath or shower as cold water can trigger a heart attack. Be careful.”

“It’s bad po for your health.”

“This is not recommended for all. In some european countries, They practice this to boost their immunity. Better consult a specialist kung di sigurado sa gagawin.”

“Not safe, can lead to hypothermia.”

’Yan ang ilan lamang sa reactions ng netizens. But there are those who believe na may dulot na Mabuti ang ginagawang paglublob ni Matteo sa yelo at tubig.

“Have you heard WIN HOFFMAN . Ice bath makes your immune system stronger and will fight any diseases . Check him on you tube.”

“Ice bath is good for you . Am 55 and I do that once a week and havnt got sick for years.”

“Very helpful yan for healing process ng muscles for better recovery after strength training.”

“Ice bath is with scientific reasons. Wala lang kayong alam at mali din ni Matt na hindi nya sinasabi sa inyo. That’s for mitochondrial tune up kombaga. It forces the mitochondria to concentrate the heat and when he comes out the heat is firing rapidly throughout the whole body, thus benefits all the smallest veins. Yan lang ang pinaka simple na ma share ko pero mas malawak pa yan. I did different with the same result and principle.”

* * *

Ubos na ang pasensya ni Lukas sa asawang si Vanessa (Agot Isidro) matapos niya itong mahuling nakikipagkita na naman nang palihim kay Conrad (Christian Vasquez) sa teleseryeng “La Vida Lena” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sa sobrang galit ni Lukas, pinagbawalan niya si Vanessa na lumabas ng bahay at makipag-usap sa iba. Ito ay matapos ipamukha ni Lukas kay Vanessa ang litratong nakuha niya kung saan yakap-yakap ni Conrad ang asawa sa naging pagkikita nila. Malaki rin ang problema ni Vanessa dahil bukod sa pagpalya ng plano ni Conrad na ipaligpit si Lukas, napatay mismo ng anak nilang si Adrian (JC De Vera) ang taong papatay sana kay Lukas. Tuliro kasi si Adrian dahil hindi siya makapaniwalang nagawa niya iyon habang pinoprotektahan ang sikreto ng mga totoong magulang niya.

Dahil sa pagtatraydor ni Vanessa, desperado si Lukas na makahanap ng matinong kakampi kay Jordan (Carlo Aquino) para makilala ang bawat galaw ng kaaway niyang si Lena (Erich Gonzales). Ang hindi naman alam ni Lukas, gusto lamang mapalapit sa kanya ni Jordan dahilgusto nitong makahanap ng baho para mapabagsak ang pamilya niya.
Paano na kikilos sina Vanessa at Conrad ngayong bawal na silang magkita? Mabisto kaya ni Lukas ang plano ni Jordan?Subaybayan ang “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 PM sa Kapamilya Channel at A2Z.

Related Chika:
Matteo, Sarah pinakilig ang netizens

Read more...