KC Concepcion naka-unfollow kay Frankie?

KC Concepcion naka-unfollow kay Frankie?

TRENDING ngayon ang dalawang anak ni Megastar Sharon Cuneta na sina KC Concepcion at Frankie Pangilinan.

Ito matapos mamataan ng mga netizens na naka-unfollow ang singer-actress na si KC sa nakababatang kapatid na si Frankie samantalang naka-follow naman si Frankie sa kanyang ate sa Instagram.

Marami tuloy sa mga netizens ang tila curious kung may namamagitan bang away sa magkapatid.

Sa kasalukuyan ay parehas na nasa Amerika ang dalawa para sa kanilang pag-aaral.

Si KC ay nasa Los Angeles samantalang si Frankie ay nasa New York.

Matatandaang noong huling bumisita si Megastar Sharon Cuneta sa USA ay dinalaw nito ang anak na si Frankie ngunit hindi niya nadalaw si KC na nasa Los Angeles.

May ilang netizens rin ang nagtaka kung bakit hindi man lang sila nagkita ni KC kaya tinanong ng netizen si Sharon patungkol dito.

“Yes, I heard! I wonder how she is and what she is doing,” sagot naman ni Megastar.

Dahil nga sa sagot ni Megastar ay naisip ng mga netizens na baka may tampuhan ang dalawa.

Mas madalas ring mamataan si KC kasama ang mga kapatid nito sa side ng kanyang ama na si Gabby Concepcion base sa mga nagdaang vlogs nito.

Gayunpaman, nagpakita naman ng suporta si KC sa pagtakbo ng kanyang stepfather na si Sen. Kiko Pangilinan.

“Your love for family and country is genuine and true. Thank you for all the things that you do. This is our family’s biggest milestone yet…

“Dad, whatever the outcome, let the welfare of others be your motivation and strength.

“A Harvard alumnus. A UP and La Salle raised lawyer. An Ateneo professor. 20 years of serving the people as Senator.

“You deserve my vote and the Vote of the People. May God bless the long journey towards becoming the next Vice President of the Philippines. Mahal kita,” saad ni KC.

Baka naman nakaligtaan lang ni KC na mag-followback sa kapatid.

At kung may hindi pagkakaunawaan ang dalawa ay magiging maayos rin ito panigurado.

Related Chika:
Sharon inakusahang mas paborito si Frankie kesa kay KC; may pamatay na resbak sa bashers
KC malalim ang b-day hugot; nag-alay ng dasal para sa lahat ng tinamaan ng COVID
Frankie nilait-lait na naman ng basher: Nakakapagod na po, minsan pa nga nakakasira ng araw o buong linggo

Read more...