Christine Samson damay sa hiwalayang Alodia-Wil; third party nga ba?

Christine Samson damay sa hiwalayang Alodia-Wil; third party nga ba?

DAWIT ang model, streamer, at talent ng Tier One Entertainment na si Christine Samson matapos kumalat ang balitang hiwalay na ang cosplayer at entrepreneur na si Alodia Gosiengfiao at vlogger na si Wil Dasovich.

Si Christine kasi ang itinuturong third party kaya tuluyang naghiwalay ang longtime couple.

Isa si Christine sa mga talent ng gaming company ni Alodia na Tier One Entertainment. Isa rin siya sa mga malalapit na kaibigan ni Alodia na lagi kasa-kasama ng mag-dyowa maski sa mga beach trips ng dalawa.

Mas lalong ngang nadawit ang pangalan ni Christine bilang “third party” diumano sa hiwalayan nina Alodia at Wil dahil sa inilabas na blind item ni Xian Gaza noong Nobyembre 16 ng gabi.

Base sa blind item ni Xian ay may isang sikat na influencer raw ang nahuli ng dyowa na may kayakap na Star Magic artist sa kama habang nasa loob ng kwarto ng isang sikat na hotel sa Parañaque.

Dahil na nga sa salitang “influencer” ay marami sa mga netizen ang agad na iniugnay ito kila Alodia at Wil sabay damay kay Christine.

Inisip ng ilan na isang Star Magic artist si Christine dahil naging parte ito ng noontime show na “It’s Showtime” at nakilala bilang si Genie Nga.

Nag-react naman si Christine sa mga isyung ipinupukol sa kanya.

Sa kanyang Instagram ay nag-post siya ng kanyang selfie na may caption na, “Me staring at my screen reading all the lies I see today.”

Nag-comment naman si Diego Loyzaga na nag-react rin sa blind item ni Xian dahil idinamay rin nito ang kanyang dyowa na si Barbie Imperial.

“Good vibesssss only,” sey ng aktor.

Bukod rito ay wala nang ibang sinabi si Christine patungkol sa issue.

Matatandaang si Justin Vasquez ang dyowa ni Christine Samson. May mga balitang kumalat na naghiwalay na ang dalawa ngunit hindi naman nila ito kinumpirma.

May mga ilan rin na nakakakita na nagsasama na muli ang dalawa matapos ang naging isyu na diumano’y naging dahilan raw ng paghihiwalay nila.

Anyway, bukas naman ang BANDERA para sa pahayag ni Christine Samson hinggil sa isyung ito.

Related Chika:
Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich naghiwalay na: Wala na kame!
Alodia sa pakikipagbalikan kay Wil: Nakailang comeback na kasi, ‘pag hindi talaga, not meant to be

Read more...