Hugot ni Maymay: Kung masama ang intensyon mo, siguradong babalik din yun sa ‘yo

Maymay Entrata

MARAMING kabataan ngayon ang nako-confuse sa salitang “pagpapakatotoo”, ayon sa Kapamilya young actress-singer na si Maymay Entrata.

Nagbigay ng advice ang dalaga sa lahat ng mga nangangarap na maging housemate rin sa “Pinoy Big Brother” ng ABS-CBN. 

Si Maymay ang itinanghal na Big Winner sa “PBB Lucky Season 7” maya may karapatan talaga siyang magbigay ng payo sa mga housemates ngayon ni Big Brother pati na sa mga kabataang nagnanais ding maging bahagi ng  reality show.


Paalala ng dalaga sa madlang pipol, ang pagpapakatotoo ay isang responsibilidad at desisyon na gumawa ng mabuti sa kapwa at magpakita ng respeto sa kahit anong pagkakataon.

“Yung aspiring housemates na gustong maging official housemates sa Bahay ni Kuya, ang laging pinapayo sa kanila ay magpakatotoo sila,” ang pahayag ng dalaga sa video na inilabas ng “PBB: Kumunity Season 10.”

Aniya pa, “Okay naman po ‘yon, tama naman po ‘yon na magpakatotoo sila. Parang nako-confuse kasi sila sa salita na ‘yon. 

“Parang pagpapakatotoo na puwede na nilang gawin ang gusto nilang gawin, puwede nilang sabihin ang gusto nilang sabihin kung saan ay nakakasakit na sila ng damdamin ng tao,” ang sabi pa ni Maymay sa panayam ng “PBB” na si Toni Gonzaga.

Esplika pa ng dalaga, “Para sa akin ‘yung pagpapakatotoo ay ‘yung sini-celebrate natin ‘yung gandang mayroon tayo. Na kung saan ay wala tayong tinatapakang ibang tao. Na maging responsable pa rin tayo sa action natin. 

“Kasi naniniwala ako na kung masama ang intention mo ay babalik talaga sa iyo yon,” paliwanag pa ng singer at aktres.

“Kaya might as well na pipili talaga tayo sa kung ano ang nakakabuti para sa lahat at ‘yon ‘yung maging mabuti tayong tao, malasakit sa kapwa at respeto sa isa’t isa. Lalo na ‘yun po ang kailangan sa panahon natin ngayon,” patuloy pa niyang paliwanag.

https://bandera.inquirer.net/286086/maymay-sinagot-na-ang-tanong-kung-si-donny-nga-ba-ang-mystery-boyfriend

https://bandera.inquirer.net/291632/maymay-hindi-payag-na-magpakita-ng-motibo-sa-taong-gusto-nya-ayaw-kong-manligaw-kahit-hindi-ako-kagandahan-bahala-kayo-dyan

Read more...