Marco Gumabao
FOUR years nang single at walang dyowa ang hunk actor na si Marco Gumabao pero hindi raw ibig sabihin na hindi siya inspired ngayon sa kanyang personal na buhay at career.
Ayon sa binata, nakikipag-date naman daw siya at nakakakilala ng mga bagong female friends pero feeling niya hindi pa dumarating ang babaeng inilaan ng tadhana para sa kanya.
Sa nakaraang panayam ng entertainment media kay Marco nasabi niyang inspired siya ngayon ngunit hindi raw nangangahulugan na babae lang ang dahilan nito.
“It doesn’t mean na whenever you say you’re inspired is always because of one person. Puwedeng with work, with family, with friends.
“I’m sure everyone is inspired. Kayo, hindi ba kayo inspired? Bakit tayo magtatrabaho kung hindi tayo inspired? And being inspired is one of the best things to feel for yourself. If you’re not inspired, eh, di wala ng kuwenta yung ginagawa mo, di ba?
“Inspired ako in general and I’ve always inspired. Why? Because I’m a very optimistic person. Even though you’re down on the ground you still have to think that you are inspired because first of all siyempre sino bang pinaka-source of inspiration natin, si God and your family and of course your friends also,” ang mahabang pahayag ni Marco sa virtual mediacon ng bago niyang movie under Viva Films, ang “My Husband, My Lover”.
Aniya, apat na taon na siyang walang lovelife, “But of course, I date. I get to know women. Pero siyempre at the same time, gusto ko kasi my next girlfriend to be yon na yung magiging wife ko.
“Kumbaga, ayokong magsayang ng oras, ayokong magsayang ng effort, ng pera. Pandemic pa naman ngayon bakit tayo magsasayang ng pera, di ba?” lahad ng binata.
Sa tanong kung anu-anong qualities ang hinahanap niya sa isang babae, “Naghahanap ako ng tao na talagang makaka-click ko, at the same time importante sa akin talaga is Christian siya. Or kung hindi man siya Christian basta yung open siya. At the same time dapat yung makaka-jive din yung family ko.
“Ayokong sabihing choosy ako pero ngayon parang very maingat ako sa gusto kong piliin sa next girlfriend ko,” aniya pa.
Dugtong pa ng hunk actor, “Hindi ako nagmamadali. I still have a lot of years to work on myself, so it will come. I know that God will give me the best girlfriend.
“Kasi nakakalungkot na ang daming tao na, ‘Ah for this age dapat kasal na ako.’ Life is not a race, eh, di ba? It’s a marathon, on your own pace kumbaga. Wag mong ikukumpara yung best friend mo sa ‘yo.
“Ako, si Pat Sugui who is one of my best friends and ikakasal na siya soon. So parang ang daming nagtatanong sa akin na parang, ‘Oh, ikaw kailan ka?’ ganyan-ganyan.
“Sabi ko, sa loob-loob ko, alam n’yo ba na I’m happy with my family. I’m happy alone as of the moment. I’m happy spendin time with my workmates. So yon, parang ang sarap lang.
“Hindi naman kasi love relationship ang pinakabasehan ng pagiging happy mo. Kasi ang pinakadapat basehan ng happiness mo, well for me ha, is God.
“And you don’t have to draw that happiness from another person. Kasi kung mawala yung taong yon di lugmok ka, di ba?” sey pa ng binata na na-link kamakailan kay Ivana Alawi ngunit itinanggi niyang may relasyon siya ng dalaga.
Samantala, mapapanood na ang “My Husband, My Lover” simula sa Nov. 26 sa Vivamax directed by Mac Alejandre. Kasama rin dito sina Kylie Verzosa, Adrian Alandy, at Cindy Miranda.
https://bandera.inquirer.net/296308/marco-umamin-sa-tunay-na-relasyon-nila-ni-ivana-nagpaalam-kay-jake-bago-chinurva-si-kylie