1998 love letter ni Rico Yan kay Claudine Barretto ‘truth or fake’?

1998 love letter ni Rico Yan kay Claudine Barretto 'truth or fake'?

NAG-TRENDING agad ang 1998 love letter post ng aktres na si Claudine Barretto mula sa kanyang yumaong ex-boyfriend na si Rico Yan.

Ito ay ibinahagi ni Claudine sa kanyang Instagram account kahapon, Nobyembre 16, na agad kumalat sa social media.

Marami naman ang tila nagdududa kung si Rico nga ba talaga ang nagsulat ng ibinanderang love letter ng aktres.

Ayon sa ibang netizen, iba raw kasi ang penmanship ng latest post ni Claudine sa dating sulat na ibinahagi niya noon.

May isang netizen pa nga ang talagang naglaan ng oras para i-compare ang mga nagdaang sulat ni Rico kay Claudine.

“Ikinumpara ko ang dalawang sulat, LETTER A (2021 post) at LETTER B (2015 post), at napansin ko na magkaiba ang stroke (tama ba ang term ko) ng mga titik at salita. Kung aalisin mo ang salutation at signature, masasabi kong magkaibang tao ang sumulat. Cursive na curvy ang isa, habang print o block script ang isa,” saad ng netizen.

Chika pa niya, may isa pang letter si Rico na ipinost ni Claudine na hawig sa isa pang sulat ni Rico na inilabas ni Claudine.

“May isa pang posted picture ng sulat ni Rico (tatawagin nating LETTER C na posted noong 2016) si Claudine at makikitang pareho ang stroke nito sa LETTER B (masasabing ito ang consistent na hand writing ni Rico, cursive na curvy).”

Ayon pa sa kanya, habang nagba-browse daw siya ng mga larawan sa Instagram account ni Claudine ay may napansin siyang sulat ni Claudine para sa kanyang ina.

“Noong pinag-kumpara ko, napansin kong mas malapit ang stroke nito sa latest na sulat na ipinost niya (LETTER A, 2021 post). Again, kung aalisin ang salutation at signature, masasabi kong iisa ang sumulat, pero sabi nga Claudine sulat ni Rico ang LETTER A.”

Ito naman daw ay base lamang sa kanyang obserbasyon at desisyon pa rin ng mga netizens kung maniniwala sila o hindi.

Makikita rin sa comment section ng post ng aktres ang ilang netizen na kumukuwestiyon sa authenticity ng sulat.

“1998 pa ang sulat pero mukhang bago pa din ang papel at parang ngayon lang isinulat. Hindi naluma,” saad ng isang netizen.

May sumang-ayon rin sa netizen at pinuna naman ang naging grammar sa sulat na ibinahagi ni Claudine.

“yeah. And I know Rico was inglesero and maybe very particular with his grammar when he wrote. He actually graduated from De La Salle University.”

Isa namang netizen ang diretsahang tinanong ang aktres kung sulat kamay ba niya ito o kung kay Claudine.

“It is your penmanship po miss clau i think but did he somehow wrote or said this to you?? [crying emoji]”

Sagot naman ni Claudine, “my penmanship po is ASSUPTION PENMANSHIP PO”.

May isa pang nag-comment at sinabi ang malaking pagkakahawig ng paraan ng pagsulat sa pinost niya kahapon sa sulat niya para sa ina na ibinahagi rin niya sa IG.

Tanging sagot lang ni Claudine, “no, not my writing.”

Related Chika:
Claudine Barretto ipinakita sa publiko ang love letter ni Rico Yan para sa kanya
Claudine galit na galit sa pinuntahang ospital: Parang sasabog ang dibdib ko!

Read more...