Yassi na-shock sa 'papwet' ni JC: Hindi ko po talaga kayang pumasok sa eksena! | Bandera

Yassi na-shock sa ‘papwet’ ni JC: Hindi ko po talaga kayang pumasok sa eksena!

Ervin Santiago - November 16, 2021 - 02:28 PM

JC Santos at Yassi Pressman

NA-SHOCK si Yassi Pressman sa pagpapakita ng pwet ng kanyang leading man na si JC Santos sa pelikulang “More Than Blue” under Viva Films.

Super laugh talaga ang actress-dancer nang mapag-usapan sa ginanap na virtual mediacon ng kanilang movie ang tungkol sa butt exposure ng aktor.

Naitanong kasi sa dalaga kung ano ang naramdaman niya nang kunan ang eksena nila ni JC kung saan muli ngang nagpasilip ng kanyang pwet ang Kapamilya actor.

Sa nasabing eksena na mapapanood sa official trailer ng “More Than Blue” ipinakita si JC na nagsa-shower nang hubo’t hubad at nakatalikod habang nasa loob din ng bathroom si Yassi.

Reaksyon ni Yassi, “Never pa po akong nakakita nu’n sa co-actor ko, so it was quite shocking but JC was very, very comfortable.

“So, ‘yung nakita po sa trailer, papasok po ako sa loob ng banyo and siyempre, kapag blocking po, hindi naman kailangan ‘yun, di ba?

“So, nun’g take na, sinabi na ‘okay JC, get ready na’ ganyan, ‘Yassi, step out.’ Step out po ako. Nakasarado po ‘yung pintuan, di ba? Nandito ‘yung kwarto nina direk on the left, and then, nandu’n po siyempre ‘yung monitor nila,” paliwanag ng dalaga.

View this post on Instagram

A post shared by JC Santos (@j.c.santos)


Dagdag pa niyang kuwento, hindi pa raw siya umeenter sa banyo ay nakita na niya sa monitor ang eksena ni JC na hubo’t hubad na nakatalikod kaya naman super shocked ang aktres.

Nang makapasok na siya sa banyo ay kinailangan pa rin daw niyang huminga nang malalim, “Hindi ko po talaga kaya na pumasok sa eksena. So I had to gather myself and really breathe and just focus.

“Ayun, nagulat lang po ako to say the least,” ang tawa pa rin nang tawang chika ni Yassi.

Ayon naman kina Yassi at JC, pangkiliti lang ang nasabing eksena dahil ang kabuuang kuwento raw nito ay talagang makawasak-puso.

Sa mga hindi pa aware, ang “More Than Blue” ay hango sa isang South Korean drama classic na ipinalabas noong 2009. Ginawan din ito ng remake sa Taiwan taong 2018.

Sa Pinoy remake ng romance-drama sensation na ito, ginagampanan ni JC ang role ni K at si Yassi naman bilang si Cream, at handa na sila pareho na iparamdam sa mga manonood ang pag-ibig kasabay nang pagluha sa kanilang unang tambalan onscreen. 

Pwede nang mapanood ang “More Than Blue” simula sa Nov. 19 sa Vivamax. Ka-join din sa pelikula sina Diego Loyzaga at Ariela Arida, sa direksyon ni Nuel Naval mula sa Viva Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending