Dimples gustong tulungan ang mga biktima ng cyberbullying, victim shaming

Dimples Romana

SIGURADONG maraming makaka-relate sa kuwento at tema ng bagong drama series ng ABS-CBN, ang “Viral Scandal” na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Charlie Dizon, Jake Cuena at Dimples Romana.

Ang iba’t ibang mukha ng social media ang ipakikita ng nasabing teleserye sa mga manonood, kabilang na ang positibo at negatibong epekto nito sa bawat pamilyang Filipino.

Ayon kay Dimples na gumaganap na nanay ni Charlie sa serye na naging biktima ng online video scandal, maraming matututunan ang viewers sa bago nilang programa lalo na ang mga magulang na tulad niya.

“Para sa akin coming from my character and also bilang nanay at may asawa in real life, kapag may pamilya ka kasi na-realize natin na we’re heavily affected by anything that any member of the family will go through.

“And so lahat ng nasasabi sa isang tao o isang miyembro ng pamilya ay nasasabi sa buong pamilya.

“And I think now more than ever, we know and we have felt ang pros and cons ng ating social media and I think ngayon maganda na mapag-usapan natin at makita natin ano ang epekto kapag mailabas ang kahit anong viral, whether it is good or bad.

“Sino ang apektado, sino ang nasisiyahan, sinong nabibigyan ng benepisyo, at sino rin ang nasasaktan. At gaano katagal nga ba ang epekto nu’n?” simulang pagbabahagi ng Kapamilya actress sa nakaraang virtual mediacon ng “Viral Scandal.”

Patuloy pa niya, “Kasi madalas sa atin, we just swipe up or we just share or comment. Tapos na para sa mga taong hindi involved.

“But sa Viral Scandal, we actually dig deep and show exactly how it is like to be in a family kung saan may tina-tackle ng ganitong klase ng issue sa buhay. So both sides, sa mga taong nagbibigay ng opinion at sa mga taong sumasalo ng opinion at panghuhusga,” aniya pa.

Sa awa naman daw ng Diyos, hindi pa naman daw siya nasasangkot sa matinding iskandalo. May isang viral video lang daw siya na talagang pinag-usapan nang bonggang-bongga sa social media.

Ang tinutukoy niya ay ang character niyang Daniela Mondragon sa dating Kapamilya series na  “Kadenang Ginto”.

“We all know naman yung sa maleta and the red dress and that was something that was quite a surprise to me and funny because even until today parang nakakakita pa rin ako ng mga nag-ta-tag sa akin.

“Pero kasi yung gusto ko na kind of viral because una hindi siya sakit, pangalawa imbis na malulungkot ka or maiinis ka, parang maaaliw ka. So yun yung klase ng viral na na-experience ko and I’m happy and thankful na until today parang hanggang ngayon nagke-carry over yun.

“Sobrang pasalamat ko talaga to all the fans who keep on making it viral. Malaking achievement para sa akin yun and sa show namin Kadenang Ginto before kasi it means nag-transcend yung mensahe na we were trying to give out there,” kuwento ni Dimples.

May mensahe rin siya sa mga taong nakararanas din ng pambu-bully, victim blaming, body shaming at iba pang uri ng online harassment.

“So many things hindi natin naiintindihan kasi hindi natin tinatanong, hindi natin alam kung bakit. I think information is power kasi when you don’t have the information, either you’re afraid or firing with blank bullets kasi hindi mo alam ang sinasabi mo.

“Para sa akin, I think generally mas pagtuunan natin ng pansin kung ano ang proseso at sistema na dapat sundin natin para mas maintindihan natin ang mga ganitong bagay.

“Kasi yung mga pangyayari like victim blaming and as soon as a video comes, we just don’t know exactly what to do. Hindi natin alam kung anong gagawin. Do we report it? Where do we report it? Pag ni-report mo ba, gaano katagal bago may mangyari?

“Ano ba ang mga sistema? Feeling ko baka sakali with the show we’ll be able to find a way since maraming mga nangyayari na ganito din baka mabigyan natin ng solusyon and in that way mabigyan natin ng tulong yung mga nagdaan dito,” paliwanag ng aktres.


Mapapanood na ang “Viral Scandal” simula sa Nov. 15 sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC at TFC IPTV.

Makakasama rin dito sina Ria Atayde, Miko Raval, Jameson Blake, Markus Paterson, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada, Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces at Aya Fernandez.

https://bandera.inquirer.net/296214/dimples-ibabandera-ang-pinagdaraanan-ng-mga-ofw-hindi-sine-censor-ang-socmed-ng-anak

Read more...