Dingdong miss na miss na si misis at 2 anak; Marian payag na ba sa face-to-face classes?

Dingdong Dantes, Marian Rivera, Zia at Sixto Dantes

MARAMING netizens ang na-touch at napa-hashtag #SanaAll nang mabasa ang super sweet message ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes para sa mga anak nila ni Marian Rivera.

Umani ng sandamakmak na likes at heart emojis pati na rin ng mga positibong comments ang social media post ni Dingdong patungkol kina Xia at Sixto Dantes.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng award-winning actor ang dalawang throwback photos ng mga anak nila ni Marian kalakip ang makabagbag-damdaming mensahe mula sa isang ama.

“Dear Letizia and Sixto, It is day nine for me and I couldn’t help but scroll my photo album because of how much I miss you and your Mom,” simulang pahayag ni Dingdong na naka-quarantine nga ngayon para sa bago niyang proyekto.

“I chanced upon these two photos– taken when you were both at [two] years old. Can’t wait to have you both in my arms again,” ang caption ni Dingdong sa kanyang IG post.

May paalala rin siya sa dalawang anak nila ni Marian na aniya’y natutunan niya sa isa niyang college professor noong nag-aaral pa siya.

“Be brave, be strong and be safe (while I’m away)… as what my college teacher, Mrs. Santos would always say. Love, Dad” mensahe pa ng Kapuso actor at TV host.


Samantala, sa nakaraang virtual presscon naman ng GMA para sa 4th anniversary celebration ng weekly drama anthology ni Marian na “Tadhana” na nagsimula na kahapon, natanong ang celebrity mom kung payag na ba siyang bumalik sa face-to-face classes ang mga anak.

Kuwento ni Marian, mukhang nakapag-adjust at nae-enjoy na rin nina Zia at Ziggy ang online classes at aminado siya na nagdadalawang-isip pa siya kung papayagan na ang mga anak na pumasok sa school.

“Actually, may survey sa school kung papayag kami na ‘yung anak namin ay mag-back-to school na.

“Parang for me, medyo tagilid pa rin para sa akin, as long as hindi pa naba-vaccine,” pahayag ni Marian. Aniya, pinag-uusapan din nila ni Dong ang tungkol dito.

“Kaya praying kami for sure, hindi lang ako, lahat ng mga nanay na sana magkaroon din ng vaccine for the kids.

“Para, at least, may panglaban sila kung anuman ang mangyari kung lumabas man sila,” paliwanag pa ng Kapuso Primetime Queen.


https://bandera.inquirer.net/286293/dingdong-kay-marian-napakaswerte-ko-na-siya-talaga-ang-naging-asawa-ko

Read more...