Albie tsugi na sa PBB 10, nagpasalamat sa housemates at kay Big Brother: Nakakairita lang dahil…

Albie Casino

TSUGI na ang hunk actor na si Albie Casino sa “Pinoy Big Brother: Kumunity” season 10 na siyang nakakuha ng pinakamababang boto mula sa mga manonood.

Si Albie ang ikalawang celebrity housemate na napatalsik mula sa Bahay ni Kuya matapos makapagtala ng 6.48% ng combined save and evict votes sa ginanap na eviction night kahapon.

Ang mga kapwa niya nominees ay nailigtas sa pamamagitan ng mga bumoto sa kanila para manatili sa PBB house — si Alexa Ilacad ay may 17.09%, KD Estrada, 16.08%, at Anji Salvacion, 46%.

“Thank you for the opportunity, Kuya. Mahal na mahal ko po yung housemates ko. Mahal na mahal na rin po kita, Kuya,” mensahe ng tinaguriang “Ang Pilyong Hunktor ng Quezon City.” 

Naging kontrobersyal si Albie sa mga huling araw niya sa Bahay ni Kuya dahil sa pag-amin niya na meron siyang attention deficit hyperactivity disorder (ADHD). Isa ito sa mga hot topic sa “PBB” na talagang pinag-usapan ng viewers.

“Unang-una, maraming, maraming salamat sa lahat ng sumuporta sa akin. You know we did this thing, a Kumu event na para sa Philippine Mental Health Association and yun talaga yung pinakamalaking pasasalamat ko kay Kuya na he made me host that.

“I hosted and produced that event. That’s the first event I’ve hosted in my 12 year career in show business and it was for a good cause pa.

“It was such a great experience for me to do that. I’m just really thankful talaga for the opportunities that PBB has given me,” ang pahayag pa ni Albie sa unang interview niya outside world kasama ang Kumulitan hosts na sina Sky Quizon at Richard Juan.

Aniya pa, “Sa lahat ng sumuporta sa akin sa loob maraming salamat. Sa lahat ng housemates ko, I love you guys. Sobrang mixed ng emotions ko. I’m happy to be out again. 

“Nami-miss ko na sila agad. I can’t wait to see my family. Nakakairita lang na kung kailan ako lumabas wala sa Manila yung magulang ko. Ha-hahaha!” chika pa ng aktor.


Ano naman ang balak niyang gawin ngayong nakalabas na siya ng PBB house? “I have so many things running through my mind. Right now hindi ko alam eh. Hindi pa ako nagugutom kasi. 

“Like ang dami pang emotions na lumalabas sa akin right now. Siguro pupuntahan ko yung aso namin sa bahay ng parents ko. 

“And to see my brother, see my lola. Since wala yung parents ko siguro dun muna ako didiretso. And they have my house keys so hindi rin ako makakapasok sa bahay ko,” natatawa pang sabi ni Albie.

https://bandera.inquirer.net/282627/hindi-talaga-ako-galit-sa-gobyerno-bad-trip-lang-ako-sa

https://bandera.inquirer.net/280876/albie-sa-ecq-season-2-congrats-to-everyone-who-voted-nung-2016-sana-natutuwa-kayo-ngayon

Read more...