Lauren Dyogi ibinuking ang modus ng scammer gamit ang pangalan niya at ng ‘PBB’

Lauren Dyogi

BINIGYAN ng warning ni ABS-CBN Head of TV Production Lauren Dyogi ang madlang pipol na huwag magpabudol sa mga scammer na gumagamit sa pangalan niya at sa programang “Pinoy Big Brother.”

Nakarating na kasi sa TV executive at dating direktor na may mga taong nagpapanggap na “Lauren Dyogi” sa social media para makapanloko ng kanilang kapwa.

Sa kanyang Twitter account, ibinahagi ni Direk Lauren ang screenshot ng isang e-mail na ipinadala sa isang aspiring housemate para sa adult season ng “PBB Kumunity Season 10.”

Ipinagdiinan nito na walang katotohanan ang nakasaad sa e-mail na maaaring ipinadala ng isang scammer na nambibiktima ng mga netizens sa socmed.

“Nakaabot sa akin itong email. Di po ito nanggaling sa akin at walang katotohanan. Wag pong paniwalaan at baka kayo ay malagay sa alanganin at mapahamak. Auditions only thru kumu by sending videos and open to all.

“Walang pinadadalang ganung email ang ‘PBB’ o si Direk Lauren Dyogi,” ang caption ng isa sa mga bossing ng Kapamilya network sa kanyang tweet.

Bukod sa paalala sa publiko, nagbanta rin ang direktor, “Nananawagan ang ‘PBB’ sa publiko na maging maingat. Pinapaalalahan rin ang mga nasa likod ng scam na ito na may katumbas na parusa ang kanilang iligal na paggamit sa pangalan ng ‘PBB’ at mga bumubuo nito.”  


Ipinost din ng TV executive ang statement ng “PBB” sa Twitter tungkol sa scam, aniya hanggang ngayon daw ay hindi siya maka-get over sa modus ng mga sindikato sa socmed.

“Yes I am a Letran Knight but I will never introduce myself as Sir Lauren in an email to anyone!” pahayag ni Direk Lauren.

Narito naman ang kabuuan ng official statement ng “PBB Season 10” hinggil sa isyu.

“We caution the public against individuals claiming to be from Pinoy Big Brother and sending emails regarding the extension of the auditions for PBB Kumunity Season 10 Adult Edition.

“There is no such email from PBB or Direk Lauren Dyogi. Moreover, the program would never solicit money from auditionees.

“We ask the public to be careful and vigilant, and remind those behind this scam that the unauthorized use of the name of “PBB” or those who are part of the show is punishable under the law.” 

Napapanood ngayon sa Kapamilya channel at sa iba pang digital platforms ng ABS-CBN ang “PBB” season 10 celebrity edition.

https://bandera.inquirer.net/295168/lauren-dyogi-nagsalita-na-kung-siya-ba-talaga-ang-mystery-kuya-sa-pbb

Read more...