Vice Ganda kinumusta ang mga bashers: Masaya ba kayo?

Vice Ganda kinumusta ang mga bashers: Yumaman ba kayo?

NAKABALIK na sa “It’s Showtime” si Vice Ganda at marami ang natuwa sa kanyang pagbabalik sa popular noontime show. Sobrang na-miss kasi siya ng madling pipol.

Sa kanyang pagbabalik ay may hugot si Vice Ganda sa mga bashers. Sa kanyang Tiktok ay ipinadama niya ang kanyang pang-ookay sa mga bashers niya.

“Oh my god! Ang fresh ko ngayon. And I realized ang laki pala talaga ng na-improve ng hitsura ko kumpara dati, ‘no? Wow!

“And I also realized upon checking my checkbook, mas marami pala akong pera ngayon, mas yumaman pala ako this year,” saad ni Vice Ganda.

“And also, I checked my room, andun pa rin yung dyowa ko nagpapahinga.
“Yes, kami pa rin. Masaya pa rin kami. Three years na.”

‘Yan ang litanya ni Vice Ganda. Hindi pa ito dito nagtapos.

“And earlier, I also checked on my mom. Sobra niyang happy kasi kagagaling lang namin sa Amerika. And sobra raw siya nag-enjoy kaya ang saya-saya niya.

“And also, I checked from my handler, may mga bago pala akong awards.
“Oh my gosh! Andami ko palang achievements!” dagdag pa ni Vice Ganda.

Ang sumunod ay kinamusta niya ang kanyang mga bashers.

“Now I wanna check on my bashers. How are you guys?

“Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo kaysa dati?
“May dyowa ba kayo? Masaya ba kayo? Kumusta nanay niyo? Pamilya niyo? Okay ba kayo?” tanong ni Vice Ganda.

“May mga bago ba kayong achievements?”
Nagpahaging siya na na-shock sa sunod niyang sinabi.

“Ha?! Hindi?! Syet! Ang lungkot nun, ha! “Nakakaloka! Hindi? Ang sad,” sey pa niya.

Nag-show si Vice Ganda sa US at super successful ito. Punung-puno ang concert venue at ito ay patunay na na-miss ng madlang pipol sa US ang komedyante.

Related Chika:
Vice umaming pumurol sa pagpapatawa: Ito ‘yung effect sa akin ng ‘pagkakakulong’ ko

Read more...