John Prats direktor na sa ‘Ang Probinsyano’; di na tutuloy sa ‘It’s Showtime’?

John Prats direktor na sa 'FPJ's Ang Probinsyano'; di na tutuloy sa 'It's Showtime'?

KASABAY ng pag-anunsyo na opisyal nang kasama si Megastar Sharon Cuneta sa longest running show ng ABS-CBN na “FPJ’s Ang Probinsyano” nitong Martes sa pamamagitan ng solong mediacon ay in-anunsyo rin ng management company ni John Prats na Cornerstone Entertainment na isa na siya sa direktor ng programa.

Base sa official statement ng Cornerstone Entertainment:

John Prats is now one of the directors of “FPJ’s Ang Probinsyano”.

“Along with the big reveal on November 9, 2021 that Mega Star Sharon Cuneta is FPJ’s Ang Probinsyano’s newest cast, “It’s Showtime” director John Prats is also announced to be one of the new directors of the series–now celebrating its 6th anniversary.”

Kasabay din nito ang post ng aktor sa kanyang Instagram account ng mga larawang kuha sa ginanap na storycon para pag-usapan ang magiging karakter ni Sharon at iba pa. May kuha rin si John na nakaupo sa harapan ng mga artista na may nakalagay na ‘director.’

Ang caption niya, “This is Big! Never ko na-imagine sa tanang buhay ko na mapabilang kasama ang mga mahuhusay na Director ng ABS-CBN. Thank you Lord God.

“Salamat Direk CM sa tiwala at sa pag gabay. Thank you Tita Cory, Direk Lauren and Sir Deo and sa @dreamscapeph family for this opportunity na habang buhay kong ipagpapasalamat.

“And just WOW! Mega star is in the house!!! This is really BIG! Probinsyano never stops!!! 6 years and counting. To God be the Glory. Napakalaki ng Cast! Nakakalula, ngayon lang ata ako naka-experience na maging bahagi ng isang programa na napakaraming Bituin! Enjoy mga Kapamilya (emoji praying hands).”

Kaya naman pala hindi na natuloy si John na mag-direk ng “It’s Showtime” na dapat sana ay noon pang Setyembre hanggang sa sinabing Oktubre na at ang ending wala na.

Matagal na naming nasulat dito sa BANDERA na posibleng humahalili o nagbibigay ng suggestions si John sa mga eksenang kukunan sa “FPJ’s Ang Probinsyano” bilang isa rin naman siyang direktor.

At marahil nagustuhan lahat ito ng bidang si Coco Martin na isa sa direktor ng sariling programa bukod sa pagiging creative director.

Sobrang dami na kasi ng mga nangyayari sa kuwento at pawang big scenes kaya siguro kailangang magdagdag na ang direktor ang programa para tuluy-tuloy ang taping at hindi masyadong maraming oras ang masasayang kapag may baklas na sa tingin namin ay inaabot sila ng 3 hanggang 4 units sa buong location.

Congratulations, John Prats.

Related Chika:
John Prats sa Ang Probinsyano death prank: Kinabahan kayo ‘no?!
John Prats huling lock-in taping na para sa ‘Probinsyano’, iiwan na nga ba si Coco?

Read more...