Basher ni Kris basag na basag kay Mel Sarmiento: I will spend the rest of my life with her

Mel Sarmiento at Kris Aquino

KUNG marami ang natuwa sa engagement nina Kris Aquino at Mel Sarmiento, may mga bashers din na nambasag at nangnega sa kanilang relasyon.

Isang netizen ang matapang na nagkomento na maghihiwalay din daw ang engaged couple tulad ng nangyari sa past relatioship ng TV host-actress.

Sa Instagram post ni Kris kung saan ibinandera nito sa buong universe ang “first date” nila ng dating kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa isang fast food, nag-comment ang nasabing hater.

Nang mabasa ito ng dating public official, diretsahan niyang sinagot ang netizen na handang-handa na siyang makasama at mahalin si Kris habangbuhay.

Ginamit pa ni Mel ang IG account ng kanyang fiancée para sagutin at ipamukha sa nambasag na basher na hinding-hindi raw niya iiwan ang TV host. 

Aniya, “I said in Bimb’s interview, I will spend the rest of my life with her, kaya yung pag hihiwalay is not going to happen. I love her very much. – Mel S. Sarmiento, her future husband.”

Kagabi, trending ang IG post ni Kris tungkol sa first date nila ng kanyang future hubby sa isang fast food kung saan suot pa niya ang gown na ginamit sa pagnininang sa kasal ng isang kaibigan, habang naka-polo barong naman si Mel.

Pahayag ni Kris, “Congratulations Sheryl & Kit Dichaves… Sheryl, you and @59.flowercafe have been a major part of our love story so it was really my honor to be your ninang during your very special day. 

“Love talaga kita because in order for us to get home parang na tour ko na 1/4 of Cavite: our route Tagaytay, Silang, Dasmariñas, Molino Cavite extension through Daang Hari then Alabang, the Skyway and finally naka exit na to BGC. (If I missed any part of the route, I’m sorry kasi feeling ko may Imus and Bacoor kaming nadaanan but my team said NO.).

“It was more than 3 hrs to get back kaya nag stop sa fast food and it’s been YEARS since I’ve entered that particular brand and after the pandemic naaliw sa kin everyone with me especially Mel, because I said ang sarap maging normal, regular person.

“Sinira ni @rbchanco because sabi nya wala raw nag da-dine in naka gown and nagpapa picture lahat ng crew. I said walang basagan ng trip… 

“I just want to say thank you to the service crew at McDo Silang for having been so gracious & opening up an area for us. 1st time Mel & I ever ate out so you can say it was our 1st date – we won’t forget you. (emoji 4 yellow hearts),” sabi pa ni Kris.


Kung matatandaan, ibinandera nina Kris at Mel ang kanilang relasyon nitong nagdaang August habang ang announcement ng engagement  nila ay naganap nitong Oct. 24.

Si Mel Sarmiento ay naglingkod bilang interior secretary sa ilalim ng administrasyon ng yumaong kapatid ni Kris na si former President Benigno “Noynoy” Aquino III.


Ikinasal noon si Kris sa basketball player na si James Yap pero napawalang-bisa na ito ng korte. Nagkaroon sila ng isang anak, si Bimby. Ang panganay naman ni Tetay na si Joshua ay anak niya sa dating karelasyong aktor na si Phillip Salvador.

Kris sa ‘relasyon’ nila ni Mel Sarmiento: At least ngayon, there’s someone with the guts to stand up for me

‘Da moves’ ni Mel Sarmiento epektib kay Kris: Bimb, out of the blue, he just kissed me!

Read more...