Donny Pangilinan at Belle Mariano
ANG bongga ng mga fans at supporters ng Kapamilya loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas kilala na ngayon bilang DonBelle.
Yayamanin ang mga tagahanga ng dalawang youngstars na tinaguriang “The Next Big Loveteam” sa showbiz industry dahil sa super bonggang-bonggang surprise ng mga ito sa kanilang mga idolo.
Pagkatapos nga ng hit series nina Donny at Belle na “He’s Into Her” na humataw nang todo sa iWantTFC na napapanood na rin ngayon sa Netflix, bibida uli sila sa first movie nila together, ang “Love is Color Blind.”
At bilang regalo sa second anniversary nila bilang magka-loveteam, nagpagawa at nagpalagay ng billboard ang DonBelle fans para sa promo ng kanilang pelikula – sa iba’t ibang panig ng mundo!
Hindi lang sa Metro Manila bumabandera ang mga billboard nina Donny at Belle para sa kanilang movie kundi pati na rin sa New York, Seoul, South Korea at Zurich sa Switzerland.
In-announce ito ng Star Cinema sa kanilang social media accounts kahapon na siyang araw ng activation ng mga billboard.
Ang nakalagay sa caption, “Celebrating #DonBelle ‘s 2nd year with a #LoveIsColorBlind PREVIEWorldwide in partnership with @titasofdonbelleofficial.”
Dagdag pa rito, ang nasabing sorpresa ay collaboration ng ABS-CBN at ng Titas of DonBelle, isang grupo ng mga Pinay titas na sumusuporta sa magka-loveteam.
Makikita rin sa official account ng nasabing fans club ang mga detalye kung saan matatagpuan ang mga ipinagawa nilang billboards.
Anila sa caption, “And the surprise is out! Witness the teaser for DonBelle’s LICB movie revealed at NYC Times Square Billboard. Our collaboration with ABS-CBN Promo team. Thank you for the trust po. LoveIsColorBlind RevealWorldwide.”
Sa Korea naman, nakalagay ang DonBelle billboard sa Gangnam district na sinasabing isa sa pinakamayan at pinakasikat na lugar sa Seoul.
“DonBelle conquers Gangnam, South Korea!
“Let’s walk along the road with flowers DonBelle. Happy 2nd Anniversary! Jung Don Nie and Bae Lin Dah 사랑해,” ang sabi pa sa caption.
https://bandera.inquirer.net/283326/donny-pangilinan-belle-mariano-natural-ang-pagpapakilig-bibida-sa-hes-into-her
Sa Europe naman, bumalandra ang mga digital posters ng movie ng DonBelle sa iba’t ibang sa Zurich, Switzerland. May anim na LED billboards daw ang ipinakalat nila sa nasabing lugar.
“DonBelle conquered their dream destination, Switzerland. Switzerland indeed has nice sceneries and seeing DonBelle’s digital billboard around the streets of Zurich is a dream come true,” sabi pa sa caption.
Sa Metro Manila naman, makikita ang mga billboard ng magka-loveteam sa kahabaan ng EDSA, Guadalupe at Bagong Ilog, C5.
https://bandera.inquirer.net/296782/netizens-kilig-sa-couple-halloween-costume-ng-donbelle-pasimple-lang-talaga-kayong-dalawa