BINI at BGYO
NAPAGOD kaming panoorin ang soldout “One Dream: The BINI & BGYO Concert” nitong Sabado ng gabi sa KTX.ph dahil wala man lang pahinga ang dalawang grupo sa pagpe-peform on stage.
Imagine, inabot ng almost 20 minutes ang BINI sa opening number nila bago sila bumati sa lahat ng nanonood at saka umarya na naman ng ibang kanta with matching sayaw pa.
Hindi kami pamilyar sa repertoire ng BINI dahil pawang pang Gen Z na at ito rin naman kasi ang target market ng P-Pop group ng Star Magic.
Panalo ang production number ng BINI kasama si KZ Tandingan sa awiting “Labo.” At ang galing ng grupo dahil hindi sila nagpakabog sa nag-iisang Asia’s Soul Supreme.
Natawa kami sa sinabi ni KZ pagkatapos ng production number nila, “Ganu’n pala ang pakiramdam makipagsabayan sa mga bata.”
E, kasi naman pawang mga bagets pa ang miyembro ng BINI na sina Aiah (20), Colet (20), Maloi (19), Gwen (18), Stacey (18), Mikha (18), Jhoanna (17), at Sheena (19) kumpara kay KZ na isang taon na lang ay wala na ang edad sa kalendaryo.
Pagpapatuloy ni KZ, “Congratulations from the bottom of my tiny heart, wow! And of course to my small brothers, big brothers BGYO sa One Dream concert n’yo.
“I’m so proud to be part of this concern. Thank you guys for having me. Nakakataba ng puso to do collab with talented artists like you guys. Alam ko guys na you have a bright future ahead of this,” mensahe pa ni KZ.
Pinasalamatan din ang Cornerstone artist ng BINI at ibinuking na sa backstage ay binibigyan sila ng advice nito na labis na naa-appreciate ng all female group.
Nagulat ang BINI dahil kapag nagpe-perform si KZ ay ibang-iba ang datingan nito kaya tinanong kung may ritual siyang puwedeng i-share sa grupo.
“Siguro ang number one is be sure you’re ready for the performance. Number two pag ready ka na you’re on stage make sure ilalabas mo lahat kasi lahat ng fears mo kailangan mo nang itapon and you have to trust everything to God na ibibigay niya sa ‘yo ‘yung performance na deserved ng mga taong sumusuporta sa inyo,” pahayag ni KZ.
Bilang mga baguhan sa industriya ang BINI, tinanong ulit si KZ kung anong sikreto na puwede ulit niyang i-share para magtagal sila sa singing career nila.
“I’m so sure guys you are all talented but siguro I think what makes a star stay na matagal sa industry is your attitude.
“Your talent can get you up there but your attitude will make you stay there. So, ibig sabihin no’n kahit na alam n’yong marunong na kayo, kung alam n’yo na magaling kayo, don’t let that stop you from growing make sure na gagawin n’yo pa rin ‘yung best n’yo mag-aral kayo kung ano pa ‘yung puwede ninyong aralin.
“Always try to improve your craft kasi doon nakikita ng mga tao na hindi ka nagse-settle for puwede na ‘yan. And ‘yun nakikita ng mga tao sa mga artist, you always willing to grow, and despite growing you remain humble and grounded, ‘yun siguro
“Alam n’yo guys ‘yung success abot kamay n’yo na as long as you stay passionate, you’re willing to put the hardwork, you’re on the right track. This concert is a proof na walang imposible sa mga nangangarap,” mahabang payo ni KZ sa BINI.
Medyo emosyonal si KZ habang pinapayuhan ang grupo dahil naalala niya almost 10 years ago ang sarili na sumali noon sa reality show na “The X Factor Philippines” (2012). At simula nang manalo siya ay mas lalo pa niyang pinagbuti ang craft niya bagay na napansin ng lahat kaya nakilala siya nang husto.
https://bandera.inquirer.net/292020/bgyo-bini-matinding-hamon-ang-haharapin-sa-one-dream-concert-tingnan-natin-kung-kakayanin-nila
Pagkatapos ng 50 minutes ay pumasok naman ang BGYO na ang galing din. Nagustuhan namin ang kanilang “Hataw Na” production number at ang nakakapagod din nilang performance kasama si AC Bonifacio na tinutukso kay Nate.
Samantala, hindi pa nga kami halos nakakahinga sa kulang na isang oras na performanc ng BINI ay heto naman ang BGYO na walang kapagod-pagod sa mga hatawan nilang sing and dance, huh!
Naisip namin ano kayang iba’t ibang cardio exercises at ilang oras kaya ang ginawa nila kasama ang BINI para ma-sustain nila ang energy nila sa show? Kaya siguro sobrang higpit ng diet nila para mapanatili nila ang mga balingkinitan nilang katawan.
Going back to BGYO, magaganda naman ang mga boses nilang lahat pero lutang para sa amin si JL bilang bokalista ng grupo.
Umabot halos sa dalawang oras ang unang gabi ng concert ng BINI at BGYO at gusto namin ang collab nila para sa kantang “Da Coconut Nut.”
Sa kabuuan ng “One Dream: The BINI & BGYO Concert” ay sulit ang bayad ng mga nakapanood nito sa KTX.ph, iWantTFC at TFC IPTV dahil bukod sa superb performances nila ay malulula ka sa ganda ng visual effects ng stage.
At dahil nga napanood din ang “One Dream” concert ng BINI at BGYO sa ibang bansa ay trending ito worldwide.
Mula sa BANDERA, isang malaking thumbs up para sa debut concert ng BINI at BGYO at binabati rin namin ang buong production team.
https://bandera.inquirer.net/296539/bini-bgyo-magpapasiklaban-sa-joint-concert-budding-female-star-doble-kara