Pagsusuot ng face shield hindi na kinakailangan sa Maynila maliban sa mga medical facilities

People wearing face mask and face shield.

INQUIRER PHOTO / NINO JESUS ORBETA

BINAWI na ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang ‘mandatory use’ ng face shield sa Maynila.

Pinirmahan ni Domagoso ang Executive Order No. 42 na nagdedeklara na sa mga ospital, medical clinics at iba pang pasilidad pangkalusugan na lamang kinakailangan magsuot ng face shield.

“Ang kailangan na lang nating gawin ay mag-face mask para kahit paano maibsan ang inyong gastusin  araw-araw dahil sa face shield na ‘yan,” sabi nito.

Sa kanyang kautusan, binanggit niya ang naging pahayag ni Interior Sec. Eduardo Ano na marami sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pabor na maaari nang maalis sa minimum health protocols ang pagsusuot ng face shield.

Binanggit din ang pagbaba ng alert status ng Maynila at Metro Manila bunga ng pagbaba ng COVID-19 cases.

Muli din iginiit ni Domagoso, na ang nararapat ay bumili ng mga gamot na nakakatulong sa mga pasyente, tulad ng Remdesivir at Tocilizumab.

 

Kaugnay na ulat: 

Face shield at face mask: simbolo ng corruption sa gobyerno

Hindi paggamit ng face shield sa labas ng bahay, aprubado na

Read more...