IKA-APAT na taon na bilang brand ambassador ang legendary singer na si Jose Mari Chan ng isang online shopping platform at natutuwa siya dahil sa tuwing sasapit ang Kapaskuhan ay ang “Christmas in Our hearts” at “Constant Change” ang laging pinatutugtog.
NaIkuwento ni Mr. Chan, “Four wonderful years, that’s my way of describing the four years that I’ve been a brand ambassador. I feel blessed that number one, my songs are now associated with this most joyful season of the year. But I feel especially blessed being part of the Shopee family.”
Dagdag pa, “Your smile is the best attire wherever you go, put that smile and spread the joy by putting a smile on your faces. That is my best advice. Apart from the glittering lights around me and the beautiful music and the joyful prayer time, Christmas to me is a time for reflection.
“Reflection on the months that have just passed, the year that has just passed. That’s the best for me. Time for reconciliation with those that we have hurt, time for strengthening our family ties. And I always remember that the spirit of Christmas is giving and sharing.”
Payo rin ni Jose Mari Chan sa kanyang mga anak at apo kung ano ang dapat na ibigay na regalo sa mga mahal sa buhay ngayong Pasko na mas kailangan lalo na’t nasa panahon pa rin tayo ng pandemya.
“I told my children and grandchildren this, make a mental list of people and friends that you care about. Make a list and then think about or reflect on the things that they like individually. And really I tell them that (the online shopping app) is really the perfect place to do your shopping and gift choosing with a wide selection. How convenient it is especially at this time of pandemic. So perfect time to shop,” kuwento nito sa mga dumalo ng event.
At ang Christmas wish nito ngayong 2021, “Well my Christmas wish is for this pandemic to end. And it’s my wish that all our countrymen can be protected health-wise from this virus. And then also my wish is for each one of us to reflect on our priorities in life.
“To be closer to our families and to have a grateful heart for all the blessings that we have received in our life and then to be a cheerful giver. And then that’s where the (online shopping app) comes in, to be generous and kind, benevolent to our family and friends and make Shopee heart of our gift-giving choices.” saad pa ni Jose Mari Chan.
* * *
Mapapanood bukas, Sabado (Nob 6) sa iWantTFC ang “Darna”, “Captain Barbell”, at “Lastikman” sa bagong animated series na “Hero City Kids Force” kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month.
Ipapakita sa bawat episode ng “Hero City Kids Force” na ang bawat bata ay may kakayahang maging superhero sa maliliit na paraang alam nila, gaya ng pagmamahal, pagrespeto sa iba, at pagtulong sa kapwa.
Pagkakaisa at pagkakaibigan ang matututunan ng kiddie viewers sa pagsasanib-pwersa nina Darna, Captain Barbell, at Lastikman, ang unang team ng superheroes na lalaban sa kasamaan ni Dr. Sternberg, ang supervillain na gumagawa ng mga halimaw na naghahasik ng lagim sa Hero City kasama ang sidekick nitong si Cyborgana.
Makakasama ng superheroes sa kanilang misyon ang mga kapitbahay nilang sina Maya, Andres, at Nono McCoolits, ang mabait nilang tagabantay na si Tita Joyce, at ang robot na si Georgie.
Bukod sa maaaksyong adventures, haharap din ang tatlong superheroes sa nakakatuwang challenges para ituro ang kahalagahan ng kalinisan, pagiging masunurin, pagpapakumbaba, katapatan, pagkain ng gulay, at marami pang iba.
Marami pang ibang shows ang mapagpipilian ng mga bata na kapupulutan ng aral. Matatagpuan sa Just Love Kids section ng iWantTFC ang original animated series na “Jet and the Pet Rangers,” Kapamilya teleseryes na “Starla,” “Hiwaga ng Kambat,” “Nang Ngumiti Ang Langit,” at “Agua Bendita,” at ang season five ng “Team YeY.”
Kasabay ng paglulunsad ng YEY sa Jeepney TV at Kapamilya Channel ngayong Sabado ay mapapanood na rin ng iWantTFC users sa Pilipinas ang bagong shows ng YeY tulad ng “Peppa Pig,” “Rob the Robot,” “Kongsuni,” at “Max Steel,” habang available naman worldwide ang unang season ng “Team YeY.”
Mapapanood nang libre ang “Hero City Kids Force” tuwing Sabado, 8 a.m. sa iWantTFC app at website (iwanttfc.com). Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart- TV
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.
Related Chika:
Jose Mari Chan ‘lumantad’ na sa pagsisimula ng Christmas season; may hiling kay Mariah Carey