Sharon ibinandera ang sexy body; from XXL, medium na lang ngayon

Sharon ginulat ang netizens sa kanyang weight loss journey

PROUD na ibinandera ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang sexy body na talaga namang bunga ng kanyang paghihirap sa mga nakalipas na taonXX.

Sa ibinahaging larawan ni Dr. Aivee Teo ay proud niyang ibinandera na medium na lamang ang size ngayon ni Sharon.

“Look who’s here! Aivee Day with my now-so-sexy & skinny friend. Look at her! From XXL to MEDIUM,” saad ni Dr. Aivee.

Aniya, limang taon na buhat nang magsimula ang pagpapapayat ng beteranang singer at actress. Ngunit sa kabila ng hinaba-haba ng proseso ay masasabi niya na worth it ang ginawang ni Sharon para makamtan ang healthier version ng kanyang sarili.

“This story is a story of determination, patience and trust between doctor and patient, friend to friend,” dagdag pa ng doktor.

Talaga namang marami sa mga netizens maging ang mga supporters ni Sharon ang napahanga sa kanyang achievement.

Pati si Gretchen Barretto ay napa-comment sa ipinost ni Dr. Aivee.

“Great job! Bravo! To a healthier life ahead.” sey nito.

Samantala, kalat na kalat na ang balita na magiging parte si Sharon ng longest-running teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Base sa naisulat namin sa BANDERA, sa Nobyembre 19 na ang simula ng lock-in taping ni Sharon para sa nasabing teleserye.

Magkakaroon rin ito ng virtual mediacon sa Martes, Nobyembre 9 bilang opisyal na pagpapakilala kay Sharon bilang parte ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Wala pa mang confirmation pero gaganap raw si Sharon bilang totoong ina ni Mara na siyang ginagampanan ng aktres at rumored girlfriend ni Coco na si Julia Montes.

Ito rin ang magiging kauna-unahang teleserye ni Sharon sa ABS-CBN kaya naman talagang kaabang-abang talaga ang kanyang pagpasok sa teleserye.

Paniguradong mas madaragdagan ang taga-subaybay nila Cardo lalo na’t hindi rin papatalo ang galing ni Megastar sa pag-arte.

Related Chika:
#Palaban: Pasabog na ‘body shot’ nina Sharon at Marco trending

Read more...