ILANG beses na rin palang gustong magpahinga ni Enchong Dee sa showbiz. Kaya lang ay natatauhan siya kapag naaalala niya ang sabi sa kanya ng kanyang manager.
“I think staying in the business was always the goal. The decision just followed. It’s an everyday decision that you have to make. The people in Star Magic knew na ilang beses na rin akong nag-attempt, ilang beses na akong nagsabi na okay na siguro, naka-ten years na ako.
“And then lagi sa aking sinasabi ni tita Monch, my handler, my manager for the last fifteen years. Sabi niya sa akin, ‘alam mo, hindi totoong nagre-retire ang artista. Kapag naging artista ka na, nandiyan ka na forever. Babalik at babalik ka lang. Yes, magte-take time ka pero babalik at babalik ka,” kuwento ni Enchong sa online presscon ng “Maalaala Mo Kaya” para sa mga episodes this month.
“Naintindihan ko. While we were doing this episode, nare-remind ako kung gaano ko kamahal ‘yung pagpakita ng emosyon. Naalala ko kung gaano kasarap makatrabaho na sabay-sabay kayong napapagod.
“Kaya nga ang sabi ko ang suwerte ko. Ang tawagan sa ABS-CBN ay kapamilya kasi kapag kapamilya, nandiyan talaga kayo para sa isa’t isa. ‘Yun ‘yung hinahanap ko every time I am on the set. Kailangan kong tratuhin ‘yung co-actors ko the same way that I treat the wardrobe, the make-up artist, the staff, the utility people. It’s the same. Again, it all boils down to being a family,”dagdag pa ng aktor.
But for now, gusto munang mag-rest ni Enchong.
“For the meantime, gusto ko po muna magpahinga kasi natataranta ang utak ko sa mga lock-in taping. Ngayon pa lang ako nasasanay. Mayroon akong inaasahang pelikula na gustung-gusto kong gawin. Supposedly, mag-start kami end of November and then matatapos siya before Christmas pero na-move siya,” say niya.
Sa episode this Saturday, November 6, gingampanan ni Enchong ang papel ni Edwin Pranada.
Buong buhay ni Edwin, tanging hiling niya ay makita ng ina ang kanyang efforts tulad nang nabibigay nitong pagpapahalaga sa kanyang mga kapatid. Sa umpisa, namulot siya ng basura para kumita ngunit nang tumagal ay napagod siya at napunta sa pagbebenta ng drugs at panloloko ng mga tao. Panoorin kung paano niya nabago ang kanyang ugali at maging isang kilalang cosmetic tattooist na nagbibigay ng libreng service sa mga taong may alopecia.
Mapapanood ang “Maalaala Mo Kaya” sa the Kapamilya Channel and A2Z, Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment’s YouTube channel and Facebook page, and iWantTFC.
Related Chika:
Enchong parang pari rin sa totoong buhay; Kyle enjoy sa pagiging kontrabida