DUMALAW si Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez sa kanyang alma mater, University of San Jose-Recoletos noong Nobyembre 3 kung saan nakatanggap siya ng financial grant na P30,000 bilang suporta sa pagsali ng dalaga sa nalalapit na Miss Universe 2021.
Present sa kanyang homecoming ang University of San Jose-Recoletos President Rev. Fr. Christopher Maspara.
Sa kanyang speech ay pinasalamatan niya si Beatrice dahil sa karangalang ibinigay nito sa unibersidad.
Ibinahagi rin ni Rev. Fr. Christopher ang naging obserbasyon niya sa naging journey ni Beatrice sa pagiging Miss Universe Philippines 2021.
Aniya, maswerte raw ang dalaga sa numerong 5 at may tsansa raw na maiuwi ni Beatrice ang korona sa nalalapit na 70th Miss Universe.
“Before I end, I would just like to share what I’ve noticed as regards your journey to becoming Miss Universe Philippines 2021.
“Bea, you seem to be lucky for one particular number. You were candidate No. 15 when you were crowned Miss CESAFI (Cebu Schools Athletic Foundation Inc).
“In 2015, you joined the Miss Mandaue pageant, your first major pageant where you placed 2nd runner-up.
“In 2020, you bagged the Binibining Cebu title,” pag-alala ni Rev. Fr. Christopher sa pagkapanalo ni Beatrice.
“During the Miss Universe Philippines pageant proper, you were the last to be called among the 10 finalists. You picked question No. 5.
“You are lucky with the number 5. I believe you are capable of becoming the fifth Filipina to bring home the Miss Universe crown,” pagkukwento ni Rev. Fr. Christopher sa journey ni Beatrice.
Naiyak naman si Beatrice sa mga sinabi ni Rev. Fr. Christopher sa kanya.
Magdilang anghel kaya si Rev. Fr. Christopher patungkol sa magiging next achievement ni Beatrice? Maiuuwi nga kaya nito ang korono this year?
Kung papalarin nga ang dalaga ay siya ang magiging 5th Filipina title holder bilang Miss Universe kahanay nina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), Pia Wurtxbach (2015), at Catriona Gray (2018).
Anyway, excited na ang lahat sa pagrampa ni Beatrice bilang representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2021 na gaganapin sa Disyembre 12 sa Eilat, Israel.
Good luck Beatrice! Pilipinas got your back!
Related Chika:
Beatrice Gomez ng Cebu City, wagi bilang Miss Universe Philippines 2021
Beatrice Gomez bet maging action star; willing gumawa ng stunts kahit walang ka-double