Kuya Kim sasabak sa bagong show kasama sina Camille at Iya

Kuya Kim sasabak sa bagong show kasama sina Camille at Iya
MADARAGDAGAN na ang mga shows kung saan mapapanood si Kuya Kim Atienza dahil magiging parte na rin ito ng morning show kasama sina Camille Prats at Iya Villania.

Mula sa orihinal na title nitong “Mars Pa More” ay papalitan ito ng “Mars Pa More with Pars Kim Atienza”.

Ito na ang magiging pangatlong programa ng TV anchor and weatherman buhat nang siya’y lumipat noong Oktubre sa Kapuso network.

Nauna na itong maging parte ng “24 Oras” at “Dapat Alam Mo!” Ng GTV.

“I’m just so overwhelmed that God has been so good to me and the timing was so impeccable and the transition was so seamless,” pahayag ni Kuya Kim sa virtual media conference ng “Mars Pa More with Pars Kim Atienza nitong Miyerkules ng umaga.

“When I started taping with Iya and Cam and the whole Mars family, I just realized that the show was fun to do. Nabibitin ako, gusto ko pang mag-taping pa nang mas matagal,” dagdag pa nito.

Labis namang nasorpresa at sina Camille at Iya nang sabihin sa kanila ang balita na magiging parte ng show si Kuya Kim.

“This is something that Cam and I never saw coming, but it was such a pleasant surprise. Kasi nga naman, masyado nga tayong maka-Mars, kaya it’s so refreshing to have the opinion of a Pars.

“At saka hindi lang opinyon ng kung sinu-sinong Pars lang. Opinyon ni Kuya Kim na kung anuman ang lumabas sa bibig niya, maniniwala kami,” sey ni Iya.

Para naman kay Camille, kahit na unexpected at talagang na-surprise siya sa pagpasok ni Kuya Kim ay naniniwala siya na malaking bagay ang gagampanan ni Kuya Kim sa show.

“Yung Mars Pa More not only wants to cater sa mga nanay out there but also to kids. So, si Kuya Kim is definitely the one who’s gonna be sharing all his trivias.

“Lahat ng kaalaman niya, pasok na pasok na yun para sa mga bagets na nanonood sa amin tuwing umaga,” saad ni Camille.

“At the same time, ang mga Pars, meron nang magtatayo ng bandila nila. Ipaglalaban ni Kuya Kim ang kanilang mga stand,” dagdag pa niya.

Simula Lunes, Nobyembre 8, mapapanood na si Kuya Kim kasama sina Camille at Iya sa “Mars Pa More with Pars Kim Atienza”.

Paniguradong mapupuno agad ng dagdag kaalaman ang iyong umaga kasama ang tatlo.

Related Chika:
Kuya Kim sa pag-alis sa ABS-CBN at paglipat sa GMA: Malungkot na masaya, mabigat na excited…

Read more...