Basher na nang-okray sa kilikili ni Heart basag na basag: Hi perfect! Share tips naman

Heart Evangelista at Chiz Escudero

BASAG na basag na naman ang isang basher at body shamer matapos supalpalin ng Kapuso leading lady na si Heart Evangelista.

Hindi pinalampas ng aktres at fashion icon ang pang-ookray sa kanya ng isang netizen na nagkomento sa ipinost niyang litrato sa Instagram.

Nilait kasi ng basher ang kanyang kilikili sa litratong ibinahagi niya sa IG kung saan magkasama sila ng kanyang asawang si Chiz Escudero.

Makikita sa photo si Heart suot ang kanyang floral bikini top kung saan naka-expose nga ang kanyang underarms. Katabi niya sa upuan si Chiz na nakatingin naman sa malayo. 

Maraming netizens ang nag-post ng positibo at magagandang comments sa IG photo ng mag-asawa ngunit may isang tila naligaw na nanglait sa Kapuso star. Anito, “Parang lukut-lukot kilikili nio?” na sinundan pa ng tatlong crying laughing emojis na tila nang-aasar.

Sinagot naman siya ni Heart ng isa ring pang-asar na hirit. Aniya, “Hi perfect! Habang may dugo ka sa katawan your skin will move, bulge, wrinkle or stretch.

“Di naman wax figure unless pa edit ko? Ayoko naman yun. Stay perfect, share naman tips,” dagdag pang chika ng aktres.

Sunud-sunod naman ang pagtatanggol ng mga fans at netizens kay Heart sabay kuyog sa mapanglait na Instagram user.


Kung matatandaan, ilang beses na ring pumatol si Heart sa mga body shamers sa social media lalo na kapag malisyoso at bastos na ang mga pinagsasasabi nito.

Sinampolan nga niya ang isang netizen na nagpahiwatig na edited daw ang isa niyang sexy photo.

Sagot niya sa basher, “I don’t edit. I work out. I was never hiding just not the type to show so much (smiley) I am dressed a certain way for what I’m doing (smiley).”

Comment naman ni Heart sa isang hater, “I love my skin tone and I love my body, we don’t need your negativity here.”

https://bandera.inquirer.net/281136/heart-sa-may-mga-mental-health-issue-its-ok-not-to-be-ok-normal-lang-na-hindi-ka-perfect

Read more...