Nanay ni Albie naiiyak kapag naaalala ang pambubugbog sa anak; ayaw nang patulan si Jaclyn

Andi Eigenmann at Albie Casino

HINDI sinabayan ng mommy ni Albie Casino na si Rina Casino ang galit ng ina ni Andi Eigenmann na si Jaclyn Jose sa mga post nito sa kanyang social media account.

Tinalakan kasi ng veteran actress ang aktor na ngayo’y nasa loob ng “Pinoy Big Brother” house (Kumunity Season 10) bilang isa sa celebrity housemate.

Pero tinanggal din naman ito kaagad ni Jaclyn pati na rin ang pakiusap niya sa hepe ng ABS-CBN TV Production na si Direk Laurenti Dyogi patungkol sa mga pinagsasabi ng binata laban kay Andi.

Nasulat dito sa BANDERA ang panig ni Albie, ang talak ni Jaclyn a ang socmed post ng bunsong kapatid ni Andi na si Stevie Eigenmann na naglabas pa ng screenshot ng pag-uusap ng ate niya at ng ex-boyfriend sa Twitter account ng aktor noong Sept. 2, 2020 kung saan humingi na ng sorry ang aktres.

Nakausap ng talent manager-vlogger na si Ogie Diaz ang ina ni Albie na si Ginang Rina Casino at marami siyang ipinaliwanag pero nakiusap na off the record para hindi na humaba pa ang gulo bukod pa sa binilinan siya ng daddy ng anak na si Ginoong Benjo Casino na huwag nang sumagot pa.

Base sa kuwento ni Ogie sa kanyang YouTube channel na in-upload kaninang madaling araw ay naiiyak daw si Ginang Rina sa tuwing naaalala niya ang nangyari sa anak na binugbog ng mga kaibigan ni Andi dahil wala siya sa tabi nito ng mga panahong iyon.

“Kausap ko si mommy Rina Casino at naikuwento sa akin na sinabi raw ng husband niya na huwag ka nang magsalita, ‘truth will always prevail.’

https://bandera.inquirer.net/296693/albie-supalpal-sa-kapatid-ni-andi-ipinamukha-ang-pagsisinungaling-ng-aktor
“Basta ang importante raw alam ni Andi kung ano ang naganap. Kaya si Mommy Rina naiiyak daw siya ‘yung bigla na lang ibinalik ‘yung puro pasa ang mukha ni Albie kasi di ba pina-flash ngayon, nagto- throwback.

“Ayaw daw niyang tingnan kasi naiiyak siya that time helpless siya nu’ng nagyari ‘yun kasi that time nasa Subic (Zambales) siya na habang ibinabalita na lang sa kanya na binugbog si Albie ng mga kaibigan ni Andi.

“Dati kasi pinagtatakpan ni Albie sa kanya si Andi. May mga times pa raw na sinasampal ni Andi si Albie pero itinago ito sa kanya ng anak niya. Kasi kapag nagagalit daw si Andi ganu’n,” sabi ng vlogger-talent manager.

Sabi naman ng co-host ni Ogie na si Mama Loi, “Pero ang claim naman ni Jaclyn si Andi ang binubugbog ni Albie? Iba-iba ang side ng istorya.”

“Minsan kasi iba naman ang katwiran ng lalaki, hindi ko siya binugbog, inaawat ko lang siya kapag nagagalit kaya siya nagkakapasa. Di ba may mga ganu’n ipapakita ang mga pasa pero ang totoo inaawat lang ng lalaki kasi ayaw siyang saktan ng lalaki,” paliwanag ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Sa totoo lang may sinabi sa akin si Mommy pero off the record. Ilalabas ko pag may permiso na. For now gusto natin mag-usap sina Andi at Albie kasi di ba pupunta ng Siargao si Albie gusto niya at wala siyang pakialam kung magkita sila ni Andi.

“Pero feeling ko hindi ‘yan papayagan ni mommy (Rina), ‘wag ka munang pumunta ng Siargao.’”

Samantala, inamin naman ng ina ng aktor na sa panahong nagkagulo sila ni Andi na, “Nagkaroon ng anxiety attack si Albie, nagkaroon din ng depression. Sabi nga ni mommy, ‘maiintindihan mo naman Ogie kung saan nanggagaling ito lahat. Alam ni Andi ang totoo hindi para sa amin manggaling kung ano ‘yung totoo.

“Naiintindihan din naman natin si Jaclyn Jose dahil nanay ‘yan!  Lola ‘yan ng kanyang (mga) apo. Kaya kung meron mang higit na nasasaktan ‘yung nanay (at) naiintindihan natin siya habang naiintindihan din natin si mommy Rina bilang nanay din siya ni Albie.”

At ang hiling ni Ogie kina Jaclyn at Mommy Rina, “Magpa-Pasko pa naman, oh. Tsumika na lang kayo sa isa’t isa, ‘yun naman ang gusto ng lahat magkabati ang pamilya.  Huwag ka na ma-high blood Jaclyn?”

https://bandera.inquirer.net/296579/jaclyn-jose-binanatan-si-albie-may-pakiusap-kay-direk-lauren-dyogi

Read more...