Manilyn kinakarir ang pagwo-workout, naadik sa boxing at hula hoop

Manilyn Reynes

MALAKI na ang nabawas sa timbang ng Kapuso actress na si Manilyn Reynes makalipas ang ilang linggong regular workout.

Ayon kay Manilyn, nagdesisyon siyang simulan ang kanyang fitness journey hindi para magpaseksi kundi para mas maging healthy para sa sarili at sa pamilya.

Siyempre, ang naging motivation talaga ng celebrity mom ay ang kanyang family na siya rin niyang nakakasama sa pag-e-exercise kabang na ang pagtakbo at paghuhu-hula hoop.

In fairness, kahit busy si Mane (palayaw ng aktres) sa kanyang career at pagiging asawa at nanay, talagang naglalaan siya ng oras para sa pagwo-workout.

Kuwento ng Kapuso singer-comedienne, napakaimportante ng family bonding at self-love para maging “physically and mentally healthy.” 

Aniya, naging paborito na ng kanyang pamilya ang mag-workout tuwing weekend kaya talagang looking forward siya lagi sa pagsasama-sama nila kapag wala siyang trabaho.

“We run, a bit of walking siyempre. Nag-i-increase nang nag-i-increase naman ‘yan, hindi ba? ‘Yung speed mo,” pahayag ni Manilyn sa nakaraang episode ng “Pinoy MD” sa GMA 7.


Dito nga niya nabanggit ang kanyang cardiovascular workout at paghu-hula hoop. Bukod dito, nagboboksing din siya bilang bahagi ng kanyang workout routine.

“Natutuwa kang gawin, natutuwa kang balikan, and at the same time, may benefits naman. 

“Ako ay boxing fan talaga, kahit noon pa. Maliit pa lang ako, nanonood ako ng boxing kasama ang lolo ko,” aniya pa.

Ipinagdiinan din ni Manilyn na ang kanyang fitness goal ay hindi para magpaseksi o magpaka-yummy “but to be fit and healthy.” 

Ito raw ang unang objective niya sa pagpapapayat na unti-unti na niyang naa-achieve.

Pinaalalahanan naman ng aktres ang mga mommy na huwag ma-pressure sa kanilang fitness journey dahil napakalaki ng magiging epekto nito sa mental health.

Hindi raw talaga madali ang magpaka-healthy kaya ani Manilyn, “Mommies, huwag din tayo ma-stress na, ‘Ay, kailangan maging ganito rin ako. Ngayon na. Ngayon na. Ngayon na.’ kasi alam n’yo po ‘yun? Pumupunta rin sa isip natin eh.”

‘Pepito Manaloto’ nina Bitoy at Manilyn babu muna sa GMA

Read more...