Megan, Mikael mas naging wais sa pera dahil sa pandemya; nagbenta ng kotse pangdagdag sa ipon

Mikael Daez at Megan Young

MAS naging wais sa paghawak at paggastos ng pera ang celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young ngayong panahon ng pandemya.

Inamin ng mag-asawa na ang dapat sanay savings nila para sa pagta-travel at pagkain sa labas na paborito nilang gawin mula pa noong magsimula ang kanilang relasyon ay napunta na sa kanilang “emergency fund.”

“We have saved a bit more than usual simply because we’re not sure what health scares or hospital bills might come in our future,” ang simulang pahayag ni Mikael sa kanilang podcast na “Behind Relationship Goals.”

“We’ve definitely put a portion of our savings that will normally go to travel or to dining and put into ‘the just in case magkaroon ng emergency,’ this is our money,” dagdag ng Kapuso actor.

Bukod dito, nag-invest din ang mag-asawa sa ipinagawa nilang studio na siyang ginagamit nila ngayon sa kanilang trabaho bilang artista at iba pang work from home projects.

“Our first initial investment is upgrading our studio, making sure that some of our extra savings spent just goes back into our work,” sabi pa ni Mikael.

Sabi naman ni Megan, “Sabi nga ni Fofo (tawag niya kay Mikael), basta ilagay mo ulit ang pera mo kung saan ka kumikita then that probably would be a good investment kasi you’re constantly upgrading what you have and the outputs that you have.”


Nabanggit din ng beauty queen-actress na nakapagbenta rin sila ng kotse noong kasagsagan ng pandemya, “We actually decided to sell a car.”

Paliwanag naman ni Mikael, “We had two cars simply because it made sense kung may taping si Boneezy (tawag niya kay Megan) she uses one car, kung may taping ako, I use the other car.

“Now, there is no taping. If ever there is taping it’s a lock-in situation where we don’t need to bring a car,” aniya pa.

“Natutulog lang ‘yung isang kotse natin pero kailangan pa rin natin i-maintain. Nabubulok naman siya, ‘yung baterya kailangan palitan kapag namamatay. We decided, ‘You know what Bonez, let’s sell the car.’ Di kami natakot,” chika ng aktor.

At dahil sa pagiging wais nila sa paghawak ng pera at tamang pagba-budget sa pang-araw-araw nilang pangangailangan ay nakakapag-save pa sila ngayon. 

“You get so much value back and you can put that in a bank account, you can put in a mutual fund, so that it grows.

“Because if it was stuck in the car, then that would depreciate every year. We were able to save a lot there, and save for the future,” paliwanag pa ni Mikael.

https://bandera.inquirer.net/288239/megan-mikael-umamin-palagi-naming-nakakalimutan-ang-birthday-at-anniversary-namin

Read more...