IN PHOTOS: Celebrity kiddos bumida sa iba’t ibang halloween pakulo

Cute na cute sa kanilang halloween costumes sina Seve Soriano, Dahlia Heussaff, Amari Crawford, Avianna Abrenica

Seve Soriano, Dahlia Heussaff, Amari Crawford, Avianna Abrenica

HINDI magpapahuli ang mga anak ng iba’t ibang celebrities sa pagbabandera ng kani-kanilang cute and adorable Halloween costumes!

Ibinahagi ng kanilang mga parentals ang mga creative snapshots na talaga namang kinagigiliwan ng mga netizens ngayong halloween season.

Swag with style habang gumaganap bilang Player 456 sa sikat na korean series ‘Squid Game’ ang son nina Billy Crawford at Coleen Garcia.

“Halloween with babies is the best,” sulat ng mommy ni Amari sa caption.

Little princess naman ang ganap ng baby girl nina Sophie Albert at Vin Abrenica na si Avianna Celeste.

Proud mom naman si Anne Curtis nang i-share nito ang entry ng anak na si Dahlia in a Hidilyn Diaz-inspired halloween costume.

Aniya, “@hidilyndiaz inspiring the youth that with hard work and perseverance you can achieve your biggest/heaviest dreams,”

Chanelling his ‘Cedie ang Munting Prinsipe’ self naman ang anak nina TV host-actress Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.

Aliw na aliw ang fans kay Seve lalo pa’t bumida naman bilang Miss Minchin at Princess Sarah ang mommy nito kasama ang tita na si Alex Gonzaga-Morada.

 

‘The most angelic Winnie (the Pooh)’ naman kung ilarawan ni Sofia Andres ang daughter nila ni Daniel Miranda na si Zoe sa kanyang halloween costume.

Bongga ‘di ba? Ngunit for sure mas marami pang mga mommies and daddies ang magfi-flex ng kanilang halloween costume para sa kanilang mga anak.

Happy Halloween mula sa BANDERA!

Related Chika:

Angel, Neil nagpa-‘Squid Game’ Halloween party sa bahay: Who wants to play?

Read more...