Richard Yap umalma sa paglantad ng nagpakilalang anak: I have never seen him, met him, talk to him ever since…

Richard Yap at Joshua Paolo Jensen

PORMAL nang naghain ng civil case laban sa aktor at Cebu City North District congressional candidate Richard Yap ang lalaking nagpapakilalang anak daw niya.

Ayon sa 24-year-old na si Joshua Paolo Jensen, na taga-Bacoor, Cavite si Richard Yap daw ang tunay niyang tatay at nais lamang niyang kilalanin siya ng aktor kaya pormal na siyang nag-file ng kaso sa Regional Trial Court (RTC) sa Cebu City.

Petition “for compulsory recognition of natural child” o “acknowledgment of paternity and affiliation” sa RTC-Cebu City ang isinampa ni Joshua dahil hindi raw siya boluntaryong kinikilala ni Richard.

Kung kakatigan ng korte si Joshua, maaaring ipag-utos ng judge ang pagsasagawa ng DNA test para mapatunayan kung tunay ngang anak ng Kapuso actor ang naghain ng kaso.

Sa isang panayam kay Joshua na isinilang noong Okt. 5, 1997, sinabi nito na tandang-tanda pa niya nang ituro sa kanya ng inang si Cherymae Valdez Jenson na ang lalaking chef sa isang food chain TV commercial ang tunay niyang tatay na ang tinutukoy nga ay si Richard Yap.

Sabi pa niya, 15 years old siya nang magdesisyong hanapin si Richard, “Nag-contact ako through Facebook, social accounts, sa wife niya, sa anak niya. Wala po. Binlock lang nila ako. Matagal ko na siyang hinahanap.

“Nagpunta na rin ako ng ABS-CBN kasama ng mga lola ko at mommy ko, kaso lagi sinasabi out of town siya.

“Wala naman akong masamang intensyon. Ang gusto ko lang naman ay ilaban yung rights ko. Kung talagang totoo yung intensyon niya sa mga Cebuanos, paano niya maaayos na maseserbisyuhan niya kung sarili niyang anak hindi niya mapanindigan,” sabi pa ni Joshua.

Samantala, naniniwala naman si Richard na may bahid politika ang paglantad ng nagpapakilalang anak niya dahil kumakandidato nga siya bilang kongresista sa Cebu.

https://bandera.inquirer.net/281705/richard-yap-nagpapayat-nang-bongga-para-kay-heart-baka-kasi-sobrang-laki-ko-pag-katabi-ko-siya
Ayon sa aktor, posibleng may kinalaman daw sa isyung ito ang makakalaban niyang kandidato sa Cebu na naghamon sa kanya na magpa-DNA test bago mag-Nov. 15 para mapatunayan kung siya nga ba ang ama ni Joshua.

Pahayag ni Richard sa Bisaya sa panayam ng CDN Digital, “I’ve been in show business for ten years and karon pa ko ana nga naa koy anak. As you can see that person is not from Cebu, kay di man kahibaw magbinisaya. Ngano sa Cebu man siya nag-file? Kinsa may nagpaluyo ana?”

(“I’ve been in show business for 10 years and I still have a child. As you can see that person is not from Cebu, He doesn’t know how to speak Bisaya. Why is he filing in Cebu? Who is behind that?)

Aniya pa, nalaman nila na nag-Facebook Live umano ang hindi niya pinangalanang konsehal sa Cebu kung saan nabanggit daw nito na nahanap nila ang sinasabing anak daw niya.

“She went live and that’s what she said. So this has all been planned from the start,” sabi pa ng aktor.

Ito naman ang sagot ng Kapuso actor tungkol sa mga pahayag ni Joshua, “I have never seen him, met him, talk to him ever since. Just wondering where he took me to be his father.”

https://bandera.inquirer.net/282097/richard-yap-isa-sa-mga-unang-celeb-na-nagka-covid-sobrang-hirap-theres-nothing-i-could-do-but-pray

Read more...