Aljur Abrenica at Kylie Padilla
AKALA namin ay hindi na magre-react si Aljur Abrenica sa panayam ng nakahiwalay na asawang si Kylie Padilla sa “Kapuso Mo Jessica Soho” noong Linggo pero mali ang sapantaha namin.
Nag-guest si Aljur sa show na “The Bash” (YouTube) ni Jobert Sucaldito at inamin niyang napanood niya ang panayam ng nanay ng kanyang mga anak na sina Alas at Axl.
Base sa sagot ng aktor sa tanong ni Jobert kung napanood niya ang interview kay Kylie, mukhang hindi naman siya nagalit o na-offend sa mga naging pahayag ng aktres.
“After kong mapanood, actually ang ganda nga dahil habang pinapanood ko siya naalala ko yung mga magagandang pinagsamahan namin.
“Alam ng (ibang tao) nakita nila ‘yung appreciation namin, pagmamahal namin humantong lang talaga sa hindi na kami masaya,” pagsang-ayon ng aktor sa sinabi ni Kylie na hindi na sila masaya sa piling ng isa’t isa kaya nagdesisyon na silang maghiwalay.
Binanggit ni Jobert na ang ang pinakamagandang alaala ni Kylie mula kay Aljur ay sa panahong buntis siya sa panganay nilang si Alas.
Ano naman ang magandang memories ni Aljur kay Kylie? “Marami, ‘yung trip namin sa Hongkong, first trip naming kasama ang anak namin. ‘Yung pag-aalaga ko sa kanya kasi isa yun sa pinakamasaya ko (memory) kasi ‘yung pagsilbihan ‘yung asawa ko no’n, e, masaya na rin ako no’n.
“Hindi talaga ako nagtrabaho ng nine months. Since day 1 hindi ako nagtrabaho, araw-araw ko lang siya kasama. Inaalalayan ko. Araw-araw ako nagluluto ng noodles ‘yun ang kine-crave niya eh so, binantayan ko talaga. Marami akong magagandang memories sa family ko,” balik-tanaw ng aktor.
https://bandera.inquirer.net/296313/kylie-may-hamon-kay-aljur-lets-do-it-in-court
Naikuwento rin ni Jobert na noong nasa videoke bar sila pagkatapos ng face to face presscon para sa bagong movie ni Aljur ay nakausap nito si Kylie at sinabing ihahatid nito ang mga anak nila.
“Opo kahit sa kabila ng lahat ng mga nangyayari ganito ay constant pa rin yung communication namin lalo na’t tungkol sa mga bata.
“Kinabukasan (nag-iisip)…hinatid ba? Hindi sinundo ko somewhere here. Tuloy pa rin ang pag-uusap naming dalawa,” say ni Aljur.
“Mas maganda nga ‘yung ganyan kung hindi man kayo best of friends dahil galing kayo sa isang relasyon, e, maging civil lang di ba for the children. Mas madali sigurong mag-move on pag ganyan.
“Ako naiintindihan ko naman yung mga tao dahil sinubaybayan kami kahit ako man pero ano eh, ah nangyari na eh hindi din naman namin ginusto…wala rin namang may gusto nito.
“Sana makapag-move on na tayo kasi ‘yun ang pinakamakakabuti, instead of judging others di ba, let’s just remember the good things and see to it na ‘yung pagmamahal mo at appreciation mo sa tao na ‘yun.
“Kasi sometimes tao lang tayo sometimes kasi yung mga comments naapektuhan na ‘yung pamilya eh naapektuhan na ako, pamilya ko na hindi na siya nakakatawa kasi okay na kami eh di ba eh tao lang tayo.
“E, tulad nu’ng isang araw nagla-live ako kasama ‘yung mga anak ko tapos…hindi ako nagbabasa ng comment, eh, sinabi ng tatay ko, ‘anak ito ‘yung mga (comments).’
“Nasaktan ako, para bang ang sabi, e, ‘sige magpakatatay ka ganyan-ganyan.’ So, its not helpful na sana makapag-move on tayo pakiusap ko lang ‘yun pero kung trip n’yo talaga, e di sige ituloy n’yo lang,” natawang pahayag ni Aljur sa bashers niya.
Sabi naman ni Jobert bago makapag-move on ay may mga proseso tulad ng acceptance first, forgiveness then moving on. Ganu’n daw ‘yun eh, stages yan. You cannot move on easily if you don’t accept the fact ng mga nangyayari. Ikaw, san stage ka na ba, acceptance tapos ka na?”
“Yes acceptance, forgiveness tapos na. Ang pinakaano doon is kung paano patatawarin ‘yung sarili mo. PInatawad ko na baa ng sarili ko, yes!” tugon ng aktor.
Samantala, inamin ni Aljur na ang pagkanta ang isa sa naging outlet niya nu’ng may pinagdaraanan siya at parati siyang nasa Batangas kung saan nakapirmi ang magulang niya at ito ang pinakamatagal na panahong kasama ang ama dahil habang lumalaki siya ay laging wala ito dahil sa trabaho.
https://bandera.inquirer.net/296115/aljur-matapos-ang-breaking-silence-post-i-can-still-say-na-she-was-the-love-of-my-life