Andrea Brillantes at Seth Fedelin
GRABE ang “pa-tribute” na ibinigay ng Kapamilya teenstar na si Andrea Brillantes para sa kanyang ka-loveteam at special friend na si Seth Fedelin.
Inisa-isa kasi ng dalaga ang mga qualities na nagustuhan niya sa young actor nang humarap sa entertainment media para sa finale presscon ng kanilang hit series na “Huwag Kang Mangamba.”
Halos tatlong taon nang magka-loveteam ang dalawa at nakagawa na nga ng ilang projects sa ABS-CBN kaya naman talagang kilalang-kilala na rin nila ang ugali ng isa’t isa.
“Ang pinakanagustuhan ko kay Ali (ang mutual term of endearment nina Seth at Andrea) is napakatotoo niyang tao. Napakaiba niya sa lahat ng nakilala ko kasi grateful ako sa lahat ng nakilala ko na ka-edad ko na kasabayan kong lumaki na nasa showbiz simula nung mga 10 years old, ganyan.
“Pero siya kasi hindi ko siya nakasanayan na yung katrabaho ko merong high school life, na na-experience lahat ng hindi ko na-experience. Siya buo niya yung childhood niya,” simulang pahayag ni Andrea.
“Actually nu’ng una ko siyang nakilala I was very fond of him kasi sobra akong natutuwa sa lahat ng kuwento niya kasi naisip ko, ‘Wow kung ako kaya hindi artista ngayon yun kaya yung ginawa ko?’
“Yun yung isang sobrang curious din ako sa kanya, sa pagkatao niya nun kasi alam ko makulit siya eh. Alam kong pilyo yan, eh. Pero nung una ko siyang nakilala hiyang hiya siya.
“Pero tingnan niyo naman siya ngayon. Isa yan sa pinakanagustuhan ko sa kanya. Sa ngayon, ang pinakagusto ko kay Ali is hindi siya napapagod at hindi siya marunong mag-give up kapag gusto niya ang isang bagay. At yun yung isa sa mga qualities na hinahanap ko sa isang tao, go-getter at hindi mabilis mag-give up,” ang chika pa ng aktres sa “Huwag Kang Mangamba” finale mediacon.
Ayon pa kay Andrea, hindi lang sila basta magka-loveteam ni Seth, “Iniisip ko yung family ni Seth, iniisip ni Seth yung family ko, iniisip namin yung pangarap namin.
“Kasama sa partnership talaga namin yung pangarap namin na kahit na anong mangyari, tutulungan kita Ali, tutulungan kita na one day mabili mo yung bahay na ‘yan.
“At nandiyan si Ali na alam niyang sinasabi niya sa akin na nandito ako para matupad mo lahat ng pangarap mo. Very collaborative kaming dalawa kaya sobra akong nagpapasalamat sa kanya kasi hindi lang talaga siya showbiz, hindi lang siya tungkol sa fame.
“Sobrang genuine ng care din niya sa akin bilang isang tao at bilang isang katrabaho,” paliwanag pa ng dalaga.
https://bandera.inquirer.net/280113/andrea-nanghinayang-na-hindi-inimbita-si-seth-sa-burol-ng-kanyang-lolo
Isa sa mga hindi malilimutang karanasan ni Andrea habang ginagawa nila ang “Huwag Kang Mangamba” ay ang pagkakaroon niya ng COVID-19 at todo ang pasasalamat niya kay Seth dahil sa suportang ibinigay nito sa kanya habang nakiilkipaglaban sa killer virus.
“Ang pinaka-unforgettable sa akin is yung nagka-COVID ako and he was there for me. Hindi siya napagod na mag-video call kahit alam ko na puyat na puyat siya.
“Pinilit niya talaga na magising kasi alam niya na insomniac nga ako. Hindi ko maikaila yung effort na yun. Thank you for being very supportive and caring,” kuwento pa ni Andrea.
Sa huli, nagbigay din ng mensahe ang youngstar kay Seth, “Huwag kang mangamba dahil kakampi mo din ako sa lahat at hindi lang ako kakampi mo, tagapagtanggol mo pa ako.
“Hindi rin kita pababayaan lalung-lalo na kung feeling mo mawawala ka, alam mo na nandito ako bilang isang istriktang kaibigan mo sa ‘yo at nandito ako para ipaalala lagi sa ‘yo kung bakit ka nagsimula.
“Nandito ako lagi para ipaalala sa ‘yo na maraming nagmamahal sa ‘yo, maraming sumusuporta sa ‘yo at maraming naniniwala sa ‘yo. Huwag kang mangamba dahil lagi lang akong nandito always 24/7,” lahad pa ni Andrea.
https://bandera.inquirer.net/295555/andrea-hindi-payag-na-manligaw-sa-iba-si-seth-hindi-ka-pwedeng-mag-commit-sa-dalawa