Klea Pineda pinasalamatan ng breast cancer patient: I know you can do this, you’re brave and strong

Jak Roberto at Klea Pineda

TAOS-PUSONG nagpasalamat ang isang cancer patient sa Kapuso actress na si Klea Pineda pati na rin sa buong production ng teleseryeng “Stories From The Heart: Never Say Goodbye.”

Puring-puri ng netizen na nagpakilalang si Carla ang pagganap ni Klea sa nasabing programa ng GMA 7 bilang isang breast cancer patient.

Nag-message si Carla sa Instagram ng Kapuso actress para lamang ipaalam kung gaano niya hinahangaan ang akting ng dalaga sa “Never Say Goodbye” kasabay ng pag-amin na isa rin siyang breast cancer stage 3B.

“Hi, Ms. Klea. I just wanted to tell you that I really admire you and how you act in Never Say Goodbye.

“I was diagnosed with Breast cancer stage 3B. We had the same reaction when I figured out that I have cancer. 

“Though, I experienced it for real. Thank you for being so brave while acting as a cancer patient,” ang bahagi ng mensahe ng leading lady ni Jak Roberto sa serye.


Bukod dito, ibinahagi rin ni Carla kay Klea ang personal niyang experience sa pakikipaglaban sa kanyang sakit. Totoong-totoo raw ang mga napapanood niya sa “Never Say Goodbye” patungkol sa sakit na cancer.

“I just finished my chemotherapy. Your experiences like nausea, vomiting, I experienced those.
“I underwent surgery for mastectomy. I was so scared. But I did it! I hope after my radiation therapy, I will be able to hear from my Dr. that I am cancer-free.

“Anyways, good luck and God bless your career. I’m rooting for you. Fighting!” pahayag pa niya.
Todo rin ang pasasalamat ni Klea nang mabasa ang message ni Carla. Aniya, walang katumbas na halaga ang magaganda at positibong reaksyon at komento ng mga manonood para sa kanilang serye.

https://bandera.inquirer.net/295016/klea-pineda-inatake-ng-depresyon-dahil-sa-body-shaming-humahanap-sila-ng-butas-para-hilain-ka-pababa

Tagos daw sa kanyang puso ang mga naging pahayag nito kaya mas na-inspire pa raw siya na mas pagbutihin ang mga ginagawa niya sa kanyang buhay at career.

“I know you can do this! I know you’re brave and strong. Malalagpasan mo din ang bawat pagsubok na nangyayari sayo. Laban lang. 

“Always remember na there’s a reason kung bakit namumulat pa din natin ang ating mga mata tuwing umaga. I’ll pray for you,” ang mensahe ni Klea kay Carla.

Napapanood ang “Stories From The Heart: Never Say Goodbye” mula Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

https://bandera.inquirer.net/295711/jak-roberto-natakot-nang-ialok-sa-kanya-ang-never-say-goodbye-mabigyan-ko-kaya-siya-ng-hustisya

Read more...