Janine Gutierrez napamura dahil kay Paulo Avelino

Janine Gutierrez napamura dahil kay Paulo Avelino

MULI na namang bumida sa social media ang kulitan at bardagulan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Sa Q&A session kasi ni Paulo sa Instagram, natanong ng isang netizen ang aktor kung totoo ba ang balita na madalas na late si Janine sa kanilang mga tapings.

Dito nga ay tila in-expose ni Paulo ang dalaga nang sagutin nito ang tanong sa kanya.

“Nagpigil lang ako nung ASAP dahil birthday prod niya pero wag po kayong nagpapaniwala sa post niyang hindi ako na-late dahil never naman ako nale-late,” sagot ni Paulo.

Pinaalalahanan pa niya ang aktres na mag-soul searching nang maayos. Mukhang may balak pang sabihin si Paulo pero hindi na niya itinuloy at tinag na lamang ang aktres.

“Haay mag soul searching ka nang maayos diyan sa NY hopefully pag balik mo di ka na late at di ka na,” dagdag pa ni Paulo.

Ni-repost naman ito ni Janine na marahil ay kakalapag lamang sa New York nang makita ang IG story ng aktor.

“WATDAPAK!!!!!! Himbing ng tulog ko sa eroplano tapos sinisiraan mo na naman pala ako,” sagot ni Janine.

Hiniling rin ng aktres na sana ay birthday na lamang niya araw-araw.

“Hay. Sana birthday ko nalang araw-araw para tumigil ka na,” saad pa niya kay Paulo.

Hindi naman ito ang unang beses na nagkulitan ang dalawa. Nito lang nang mag-trending ang dalawa kung saan naaliw ang mga netizens sa makulit na sagutan nila sa Twitter.

Kahit nga sa Instagram ay nag-aasaran ang dalawa.

Magkasama at magkatambal ang dalawa sa ongoing teleserye na “Marry Me, Marry You” kung saan gumaganap sila bilang si Andrei (Paulo) at Camcam (Janine) na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, A2Z Channel 11, TFC, and releases two-day advance episodes on iWantTFC, WeTV, and iflix.

Related Chika:
Paulo ibinuking si Janine, iyak nang iyak nang magkaproblema sa paglipat sa ABS-CBN
Paulo sa muling pagsabak sa lock-in taping: Pinakamahirap na part yung naho-homesick ka

Read more...