COCO: Ayoko nang pag-usapan, hayaan na natin!


May bago na namang award si Coco Martin, ibang level na talaga ang tinaguriang drama king ng ABS-CBN. Noong Sabado, binigyang parangal si Coco bilang isa sa Most Influential Celebrity Endorser of the year ng 3rd EdukCircle Awards.

Personal na tinanggap ng aktor ang recognition sa awarding ceremonies na ginanap sa UP Film Institute bago siya dumalo sa7th Star Magic Ball sa Fairmont Hotel sa Makati.

Ka-share ni Coco sa nasabing award sina Kris Aquino, Boy Abunda, Vic Sotto at Carmina Villarroel and family. Hindi na talaga maawat ang tagumpay ni Juan dela Cruz.

Di na mabilang ang kanyang acting awards, ngayon naman ay bilang celebrity endorser. Patunay ito na isa na talagang “premium brand” si Coco Martin.

Di na rin mabilang ang mga produktong ineendorso ni Coco, nariyan ang TM, Nescafe, Bench, Neozep, Belo, Cebuana Lhuillier, Boardwalk at marami pang iba.

At siyempre, masaya rin si Coco dahil consistent number 1 ang fantaserye niyang Juan dela Cruz na magtatapos na sa Oktubre.
Tungkol naman sa balitang pagpapa-DNA test nila sa sinasabing anak niya sa dating sexy star na si Katherine Luna, na nagpapatunay nga na hindi siya ang totoong ama ng bata, ito lang ang nasabi ni Coco Martin, “Ayoko munang pag-usapan yun. Kumbaga, hinahayaan ko na lang.”

( Photo credit to Google )

Read more...