JUDAY pipirma na ng bagong kontrata sa ABS-CBN, offer ng TV5 hindi kinagat!


KUNG wala nang magiging problema, tuloy na ang pagpirma ni Judy Ann Santos ng bagong kontrata sa ABS-CBN.

Wala pang masyadong detalyeng nakarating sa amin tungkol sa pananatili ng Pinoy Soap Opera Queen pero mukhang naging maganda ang negosasyon sa pagitan ni Juday at ng mga bossing ng Dos.

Ibig sabihin, hindi kinagat ng kampo ni Juday (siyempre with his manager tito Alfie Lorenzo) ang offer ng TV5 kung natuloy nga ang meeting nila.

Pero ang balita, tuloy pa rin ang paggawa nina Juday at Ryan Agoncillo ng pelikula under the film outfit ng TV5.

( Photo credit to Google )

Read more...