Joshua Garcia at Charlie Dizon
MAKALIPAS ang halos isang taon, magbabalik ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa telebisyon sa pamamagitan ng bagong family drama ng ABS-CBN, ang “Viral Scandal.”
Makakasama niya sa seryeng ito ang award-winning young actress na si Charlie Dizon na una raw niyang nakilala at nakasama sa isang TV commercial na ginawa nila together para sa isang telecom company.
Kuwento ni Joshua sa ginanap na virtual mediacon ng “Viral Scandal” kamakailan, excited na siya sa nalalapit na pagpapalabas ng kanilang bagong programa na talagang napapanahon ang tema at konsepto.
“Wala akong masabi kay Charlie, napakagaling at napakaganda. Wala akong masabi napakagaling niya and nagagawa niya yung trabaho niya. Okay siya behind the camera, okay siya maging kaibigan, okay siya maging pamilya,” pahayag ni Joshua.
Aniya pa, talagang pinaghandaan niya ang gagampanang role sa serye bago sumabak sa lock-in taping kasabay ng pag-amin na na-challenge siya nang bonggang-bongga kay Charlie.
“Actually nahirapan ako kay Charlie. Magaling, eh! Ginawa ko lang yung trabaho ko. Binasa ko nang maigi yung script, hinimay ko nang maayos. Ang dami kong pinanuod about architecture para magkaroon ako ng background sa pagiging architect.
“I think ang sikreto rin para maging successful yung isang show is to support each other. So yun lang yung ginagawa ko. Sinusuportahan ko si Charlie pag ka-eksena siya and so far naman nagwo-work naman,” paliwanag ng binata.
Ano ang pinakamahirap na eksenang ipinagawa sa kanya sa “Viral Scandal”? “Naalala ko yung first scene namin sa rooftop ni Charlie. Grabe nanginginig yung buong katawan ko habang ginagawa ko yung scene.
“Ganu’n ako sobrang kinakabahan. Pero masaya naman ako kasi naaalalayan kami ng director, naaalalayan kami ng buong staff. Sobrang excited lang ako gawin yung project,” aniya pa.
Nagbigay din si Joshua ng paalala at payo sa lahat ng mga taong nasa social media para maiwasan ang maging biktima ng mga cyberbully at online scammers.
“Siguro ang maibibigay ko lang na payo sa kanila mag-ingat sila sa paligid nila. Kasi siyempre ang hirap din magtiwala ngayon eh. Hindi mo alam kung sino yung puwedeng sumaksak sa ‘yo patalikod, eh.
“So dapat mag-ingat tayo, alamin natin yung tamang kaibigan. Wala eh, nasa mundo tayo na puno ng judgment so hindi tayo maiiwasan talaga yung ganun eh. Mag-ingat na lang talaga sila,” aniya pa.
Kasama rin sa “Viral Scandal” sina Jake Cuenca, Jameson Blake, Markus Paterson, Ria Atayde, Maxene Magalona, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada, Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces at Aya Fernandez.
Mapapanood ito sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC at TFC IPTV.
https://bandera.inquirer.net/288162/charlie-dizon-palaban-walang-inuurungan-game-na-game-magpaka-daring
* * *
Lalo pang lumawak ang naaabot na viewers ng ABS-CBN sa buong mundo bilang isang global content creator para sa digital platforms tulad ng YouTube, iWantTFC, WeTV iFlix, Netflix, Kumu, at Spotify.
“We recognize the need to innovate and create memorable experiences to keep our Kapamilyas coming back for more,” pahayag ni ABS-CBN head of digital na si Jamie Lopez sa ginanap na IMMAP Digicon Pop kamakailan.
Kwento pa ni ABS-CBN Film Productions Inc. managing director Olivia Lamasan, kinailangan daw gumawa ng paraan ng ABS-CBN upang manatili ang koneksyon sa mga tao kahit walang prangkisa. Kabilang na rito ang makipagtulungan sa iba-ibang grupo.
“Without theatrical, without our own broadcast platform, we have evolved into being primarily a content company, providing content even to outside platforms, productions, and partners,” aniya.
Inanunsyo rin ng Asian streaming platform na iQiyi na nakatakdang gumawa ang ABS-CBN ng dalawang orihinal na serye. Ito ang “Hello Heart” nina Gerald Anderson at Gigi de Lana at ang “Saying Goodbye,” nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes.
Patuloy rin ang pakikipagsanib-pwersa ng ABS-CBN sa Pinoy livestreaming at community platform na Kumu, kung saan mayroon itong mga sariling channel tulad ng FYE, MYX Global, at SeenZone, habang may sari-sariling channel din ang mahigit 100 na Kapamilya artists. Nagsimula na rin ang ikalawang season ng “Pinoy Big Brother” kasama ang Kumu, ang “PBB Kumunity Season 10,” kung saan ang online auditions, 24/7 livestreaming, at iba-ibang online shows ay naka-base rin sa Kumu.
Kahit sarado ang mga sinehan dahil sa pandemya, hindi ito naging hadlang sa ABS-CBN Films na lumikha ng mga dekalibreng palabas tulad ng “The House Arrest of Us” “Hello Stranger,” at ang National Winner sa Best Original Programme by a Streamer/OTT sa Asian Academy Creative Awards na “He’s Into Her.” Inaabangan na rin ang pelikulang “Love at First Stream” mula sa Star Cinema at Kumu na ididirek ni Cathy Garcia-Molina.
Napapanood naman ang mga teleserye na parte ng Primetime Bida ng ABS-CBN bago pa ito ipalabas sa TV sa WeTV iFlix at iWantTFC, kung saan patuloy ding napapanood ng libre ang Kapamilya shows at iba pang palabas. Milyon-milyong views din ang nakukuha ng Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment Facebook, na mayroon nang 31.5 milyong followers, at ABS-CBN Entertainment YouTube Channel, na mayroong 36.6 milyong subscribers para manguna sa buong Southeast Asia.
Mayroon ding “Kapamilya YOUniverse” na pagsasama-sama ng iba’t ibang ABS-CBN YouTube channels upang magbigay ng bago at sari-saring mga programa.
Maging ang ABS-CBN News, patuloy ang paglakas sa Facebook at YouTube, kung saan mayroon itong 22.7 milyong followers at 13 milyong subscribers.
Patuloy din itong lumilikha ng mga video stories para sa digital sa ilalim ng NXT brand, at podcasts sa Spotify tulad ng “ABS-CBN News Flash,” “After The Fact,” at “Post-Game.” Kamakailan lang, pinasok na rin nito ang TikTok.
Ibinahagi rin ni ABS-CBN entertainment production head Lauren Dyogi kung paano nalampasan ng ABS-CBN na isang 68-anyos na kumpanya ang hamon ng pandemya at shutdown.
“With both crises, we were really forced to react immediately because we didn’t want to go off-air. We wanted to be available and accessible to a lot of our audience so we just needed to employ available platforms and technology so we can still provide our entertainment programs,” lahad niya.
https://bandera.inquirer.net/295353/ivana-aminadong-nakakausap-si-joshua-alam-ko-nasa-taping-siya