PASABOG ang production number ni Kim Chiu bilang selebrasyon ng kanyang unang taon bilang host sa “It’s Showtime” last Saturday.
Dance to death ang dalaga sa Chinese instrumental version ng “Wrecking Ball” ni Miley Cyrus habang basing-basa ito sa rain effect ng show.
Sa kanyang short speech ay sinabi ng dyowa ni Xian Lim na hindi niya akalaing magtatagal siya ng isang taon sa show dahil marami siyang challenges na kinailangang lagpasan.
“It’s a roller coaster ride of emotions pero mahilig ako sa extreme rides. I’m here for the ride sa harap pa ako nakaupo. Ang daming nangyari. Hindi ko alam na aabot ako dito ng isang taon sa ‘It’s Showtime.’ Ang daming balakid pero eto tayo, nakangiti. Ganoon talaga kapag may pinagdadaanan, dadaanan lang. Kaya tuloy ang buhay, tuloy ang pagbibigay saya,” say ng dalaga.
Nagpasalamat din si Kim sa mga kasama sa “It’s Showtime” at maging sa mga boss niya sa programa.
“Salamat, ‘It’s Showtime.’ I’ve learned a lot. Every day is a learning experience. Every day may binibigay kayong chance sa akin dito sa ‘It’s Showtime’ at dito sa entabladong ito. Ang gusto ko lang naman (ay) magpasaya at mag-inspire ng tao. May this show continue its purpose na magbigay ng saya at inspirasyon, tagumpay and hope sa lahat ng madlang pipol na patuloy na nagbibigay support,” say pa ng dalaga.
Nag-trending topic si Kim at maganda ang review sa kanya ng netizens sa kanyang production number.
“WOW!!CONGRATULATIONS KIM!!EVER GREATEST PERFORMANCE!!SUPER ENERGETIC, VIBRANT AND FANTASTIC!!HAPPY ANNIVERSARY KIM!!MORE YEARS TO STAY ON SHOWTIME PROGRAM. GOOD LUCK. GODBLESS U ALWAYS.”
“Yung maganda kay Kim ay bigay todo, she gives her all sa bawat performance niya, although iba pa rin ang MAJestic na galaw for me. Nonetheless, congrats Kimmy you slain it.”
“Wow grabe naman , ang Ganda nang production number mo Kimmy very energetic, & graceful dancer…more years to Celebrate. Kimmy. congratulations Kimmy.”
“Happy Anniversary Showtime more more more years of togetherness showtime family.”
“Kim Chiu is a great addition to the Showtime family. Sya yung kumumpleto sa mga ganitong performance. Sa female hosts kasi, sya ung pwedeng isalang when it comes to performing.”
“Congrats kim super blessed ka, sana marami ka pang mainspire at matulungan na tao. Stay beautiful inside-out. More blessings to come.”
Related chika:
Bobet Vidanes tinawag na ‘sinungaling’; aware na papasok si Kim sa ‘It’s Showtime’
Vice, Ion 3 years nang magdyowa: I love you Noy! And I love winning in life with you!
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook