Not so new actor na leading man sana sa pelikula, biglang nag-back out

Not so new actor na leading man sana sa pelikula, biglang nag-back out

PALAISIPAN sa producer at direktor ng isang sexy film kung bakit nag-back out ang not so new actor gayung siya ang leading man ng bida bagay na matagal na niyang panalangin na sana mabigyan siya ng pelikulang siya ang bida at hindi bilang suporta lang.

Ilang taon na rin kasi sa showbiz ang aktor at dumating pa sa puntong nagpunta sa ibang bansa para hanapin ang suwerte pero waley pa rin kaya bumalik na lang ng Pilipinas.

At dahil pandemya at maraming artistang ayaw maglalabas ng bahay nila kaya itong not so new actor ay naging in demand na pinagkatiwalaang sa iba’t ibang karakter na nabigyan naman niya ng hustisya kaya natuwa sa kanya ang producer at direktor na ipareha siya sa Sex Goddess na bago palang din sa showbiz.

Isang araw na lang at paalis na ang grupo para sa lock-in shoot ng biglang magpasabi ang not sonew actor na back out na siya dahil hindi niya raw kaya ang mahaba at malayong lock in.

Naloka ang direktor dahil nakailang pelikula ang not so new actor simula noong pandemya pero wala naman siyang reklamo.

Tsika ng aming source, “baka raw hindi nito type ang kapareha o baka hindi nito kaya ang karakter niya.”

Say naman ng malapit sa aktor, “Nagkatampuhan sila ng dyowa niya!”

Grabe sa dami ng walang trabahong artista ngayon, masuwerte itong si not so new actor na binigyan siya ng work, pinakawalan pa? Sayang ang pagkakataon.

Read more...