“SA two-term ko bilang konsehal ng Paranaque (City) is a learning curve. Marami talaga akong natutunan sa larangan na nabibigay ng serbisyo sa taong bayan na may kinalaman ang batas.
Looking back, 10 years old ako nag-o-audition noon at sa tagal ng panahon ko sa pelikula, entertainment tayo ngayo’y nagbibigay ng solusyon sa lahat ng problemang pinagdadaanan ng ating mga kababayan,” ito ang sagot ni Jomari Yllana na tumatakbong Konsehal ng Paranaque City para sa ikatlong termino.
Natanong ang actor/politcian kung may plano siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon pagkatapos ng ikatlong termino niya o puwede naman din niyang hindi na tapusin sana ito.
“Ang iniisip ko diyan, the higher the position, the bigger responsibility. Hindi ako nangangarap sa mas mataas na posisyon. Hindi ko iniisip, although kailangan kong pag-aralan at pagdaanan.
“If you look at the government, lahat naman tayo dito sundalo, di ba? May mga sundalo rito na nagbibigay ng serbisyo at ‘yung posisyon na para sa ‘yo, kailangan mo ring pag-aralan and you have to follow protocol.
“Pero hindi ako ‘yung tipo na nangarap sa mas mataas na posisyon kasi maraming problema ro’n, sakit sa ulo. Although in reality if you look at it sa totoo lang. Tao naman ang magsasabi kung gusto ka nila o kailangan ka nila. Pagdating sa ganyang bagay kung ano ang gusto ng tao, sunud-sunuran lang naman ako. Ako’y dakilang servant, dakilang utusan, ha, ha,” paliwanag ni Jomari.
Sabi ni Jomari ay hinding-hindi niya makakalimutan ang showbiz industry na malaking bahagi ng buhay niya kaya tinanong namin kung bakit hindi niya kayang pagsabayin ang pagiging artista at magsilbi sa constituents niya bilang konsehal.
“It’s my choice na hindi ako ma-distract. Alam naman ng artista ito na halimbawa ang call time mo ay alas sais ng umaga at dumarating ka sa set ng alas siyete. Matatapos ka ibang petsa na, ganu’n talaga ang mundo ng showbiz.
“25 years ko ring ginawa ‘yun, 25 years din akong puyat, ha, haha. Ganu’n talaga ang mundo, you have promo, you have guestings. Sa style ko ng pagpapatakbo ng opisina nanibago ako, eh. First time kong mag-work on a desk, mayroon akong tanggapan. I go to the office early and I come home early, too.
“Hindi ko kayang i-manage ‘yung time na pagsabayin ang showbiz at politics. Kailangan mayroon akong priority at kung ano ‘yun posisyon na pinanghahawakan ko ngayon, ayokong isipin and I don’t agree na mababa o mataas na posisyon. It involves 100% commitment and sacrifice,”magandang paliwanag nito.
Samantala, kasama ni Jomari sa venue ng virtual mediacon ang love of his life na si Abby Viduya na first girlfriend niya at first boyfriend din siya nito noong edad 15 sila at sa Hongkong daw naganap ang lahat para maging magkasintahan sila.
Nasa Hongkong sila noon para sa promo ng pelikulang “Gwapings: The Movie” at promo shoot din ng clothing apparel kung saan kasama si Abby.
Nagkahiwalay ang dalawa dahil mga bata pa raw sila noon at hindi nila naisip na magkakabalikan sila.
“Yes, kami ni Abby ‘yung parehong first. First boyfriend and girlfriend, first na lahat kaya lang short-lived ‘yun, eh ‘yung relasyon namin,” alaala ni Jomari.
Parehong sumikat ang dalawa sa kanilang respective careers pero hindi sila naging magka-loveteam.
“Kung saan kami nagtapos noong kabataan namin, doon din namin pinulot ‘yun nu’ng nagkabalikan kami. Mas mature na tao, mas mature na relasyon. Pareho naming hindi nakakalimutan ‘yung mga pinagdaanan namin in the past.
“Masarap ‘yung kuwentuhan na pinagkukuwentihan namin ‘yung panahon na hindi kami. Na makulay ang buhay niya, makulay din ang buhay ko and siguro may mga kasabihan di ba? Na kayo lang ang makakasabi ro’n kung sino talaga ‘yung katapat ninyo. Okay na ako dito. Nakatuluyan ko ‘yung leading lady ng Guwapings, ha, haha,” tumatawang sabi ni Jom.
Pero inamin nito na wala sa hinagap niya na muli silang magkakabalikan ni Abby, “Never naming naisip ‘yun.”
Hiningan ng reaction si Abby na kasama ng aktor habang isinasagawa ang virtual interview niya.
“Never in a million years na naisip ko na magkakabalikan kami kasi for the longest time, we didn’t have communication. And mga 2015 when we started talking each other again as friends (sa) online, messenger, thru social media we found each other kaya nagkaroon kami ng connections ulit and I think this is the time na he’s preparing to run for public office in 2016.
“Hindi ko naisip na magpu-pulitiko siya kaya ang tanong ko sa kanya noon, ‘Jom, why public office?’ Sabi niya, “It’s just time na parang it calls for it to serve the people. I think it’s time to make a change.’ Sabi ko, wow ganu’n na ang outlook niya. This is mature Jomari Yllana,” balik-alaala ng dating aktres.
Inamin pang ni minsan ay hindi nawala sa puso niya ang aktor kahit may iba siyang karelasyon noon dahil nga first boyfriend niya.
“Nu’ng naghiwalay kasi kami mga bata pa kami. It’s so nice to be back with him now. The future that we’re building together, it’s so nice. With Jom, I felt secure because he gets me, he understands me, everything and with Jom, ‘yung pagmamahal niya sa akin hindi nawala. The way he loves me I feel protected and understood and ‘yung respect for each other is there,”pahayag ni Abby.
At dahil nagkabalikan na at parehong single sina Jomari at Abby ay tinanong namin kung may plano silang magpakasal.
“Plano wala (pa) naman although napag-uusapan kasi ano na kami, malapit ng mag-half century. Malapit ng mag-singkuwenta ha, haha. Magkaedad kami ni Abby.
“Ang pina-plano namin sa buhay hindi na para sa amin kundi para sa mga apo na namin, so, kami naman gusto namin mailagay sa tahimik ‘yung relasyon namin kung saan parehong hindi namin naiisip noong kabataan namin, naiisip naming ngayong nasa edad na kaming ganito. Napag-uusapan namin pero wala namang definite na plans. Mangyayari man ‘yun, mauuna kayong makaalam, ha, hahaha, “ tumawang sagot ni Jomari.
Related chika:
Abby Viduya ‘lucky charm’ ni Jomari: Akalain n’yo kami rin pala ang magsasama sa huli!
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook