Tili ng MARIAN fans sa mga WRITER: Mamatay na sana kayo!


Aligaga ang defenders ni Marian Something sa paglilinaw ng issue tungkol sa sinasabing nagselos ang dalaga kay Rhian Ramos.

Natatawa na lang kami sa ginagawang pagdepensa sa aktres. Talagang apektado ang kampo ni Marian sa lumabas na issue.
At ang mga walang pinag-aralan namang fans ni Marian ay matindi ang resbak sa mga sumulat sa selos issue.

Merong isang nag-wish na mamatay na raw ang sumulat nang hindi maganda kay Marianita. Grabe ang fans, ha! Parang akala mo kung sino.

Affected much ka, ‘te, about sa nasulat sa idol mo? Halatang may paglilinis na ginagawa para mapabango ang imahe ni Marianita.

Ang nakapagtataka, may access kay Marianita ang mga nagtatanggol sa kanya  but no one bothered to get her side of the story. Hindi ba nakakatawa ‘yon?

At ang isa pang website na halatang tuta naman ni Marianita, aba, post ng post ng mga article at talagang ipinangangalandakan pa ang branded na sapatos, damit at accessory ng aktres.

Parang pinalalabas niya na mataas ang taste ni Marianita when it comes to fashion. Actually, nagmumukhang trying hard tuloy si Marian sa ginagawa niyang pagpo-post about what the actress wears.

Kulang na lang ay lagyan niya ng presyo ang mga sinusuot ni Marianita para sabihing mamahalin talaga ang mga ito. How cheap can this website operator get!

( Photo credit to Google )

Read more...