Apo Whang-Od
PERSONAL na binisita ng mga taga-Nas Academy ang tinaguriang “last and oldest” mambabatok o traditional tattoo artist sa bansa na si Apo Whang-Od.
Ito’y para ayusin na nga ang problema at humingi ng paumanhin sa mga miyembro ng indigenous community kung saan kabilang ang kilalang mambabatok.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post, ibinahagi ng Nas Academy ang pagbisita ng ilan nilang staff kay Apo Whang-Od nitong nagdaang Biyernes, Oct. 22, sa Buscalan, Kalinga.
Ayon sa Nas Academy, bahagi ito ng sinusunod nilang tradisyon kapag may dalawang kampo na hindi nagkakasundo o hindi nagkakaintindihan.
Nais nang tuldukan ng Nas Academy ang isyu sa pagitan nila at ni Apo Whang-Od na nag-ugat sa online tattoo course na in-announce ng grupo nang walang pahintulot mula sa legendary mambabatok.
https://bandera.inquirer.net/289996/apo-ng-pinakamatandang-mambabatok-umalma-warning-whang-od-academy-is-a-scam
Kung matatandaan, tinawag ng apo ni Whang-Od na si Grace Palicas na isang “scam” ang ginawa ng Nas Academy dahil nga inilagay nila ang tattoo course sa kanilang website nang walang pahintulot ng sikat na mambabatok.
Paliwanag ng NA, “Last Friday, we visited Apo Whang-Od and the Butbut Tribe to participate in a customary reconciliation process.
“It was an amazing experience to be hosted by the tribal elders and community members, and finally resolve our differences,” ang bahagi pa ng FB post ng Nas Academy.
Isang salu-salo rin ang naganap pagkatapos mag-usap ang dalawang panig na ikinatuwa rin ng pamilya at mga kaibigan ni Apo Whang-Od.
Kasunod nito, nagpasalamat din ang Nas Academy sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na siyang nagsagawa ng imbestigasyon sa reklamo ng kampo ni Whang-Od tungkol sa reklamo ng pamilya nito.
Naging tulay din ang NCIP sa pag-aayos ng dalawang panig, “It was good that the Nas Academy came over to convey their apology to the Butbut ICCs/IPs of Buscalan regarding the misunderstanding among the company, community, and Whang-Od family.
“After meeting with the Nas Academy team and hearing their side, it was decided to finally put this issue to rest by using the Customary Laws and Practices on conflict resolution, healing, and reconciliation.
“The community through their elders thanked the Nas Academy for their sincere apology and requested that for the next time, they must follow the procedure since the art of tattooing is not practiced by the Butbut ICCs/IPs alone,” pahayag ng komisyon.
https://bandera.inquirer.net/291859/apo-whang-od-hindi-pumayag-magturo-ng-pagta-tattoo-sa-nas-academy-ncip-naglabas-ng-ebidensiya