Vice, Ion 3 years nang magdyowa: I love you Noy! And I love winning in life with you!

Ion Perez at Vice Ganda

NAG-CELEBRATE ng third anniversary ang “It’s Showtime” host na si Vice Ganda at ang dyowa niyang model and actor na si Ion Perez.

Nag-post si Vice ng tatlong photos sa kanyang Instagram account with this caption, “3 years of not giving a fuck about other people’s thoughts and judgments. 

“3 years of just being unapologetically in love and happy. I love you Noy! And i love winning in life with you!”

Of course, inulan ang post na iyon ni Vice Ganda ng pagbati mula sa  kanyang “It’s Showtime” family at ilang kaibigan.

Vice nagpasalamat sa Diyos sa pagdating ni Ion: Ang bait Mo binigyan Mo ako ng ganito…

“Pure english yarn?! Happy anniversary you guys!! Stay safe!!!!!” say ni Anne Curtis
“Katamis tamisan,” reaction ni Angeline Quinto.

“Ang tamis!” say naman ni Vhong Navarro.

“As a sweet ghorl!!!! happy anniversary mama and ion!!!!” say ni Kim Chiu.

“I love you both,” say ni Karla Estrada.

“Happy Anniv, @praybeytbenjamin & @pereziion27!” pagbati naman ni Jugs Jugueta.

Nakilala si Ion bilang Kuya Escort  sa  Miss Q&A segment ng nasabing noontime show.
This year, sa isang yacht nag-celebrate ng Valentine’s Day ang magdyowa. Ipinost ni Vice Ganda ang ilang kuha nila doon na umani rin ng libu-libong likes and comments.

Read more...