BOSSING matatanggap ng magulang ni PAULEEN kung matutuloy ang kasalan


SAW the Instagram photos of Pauleen Luna and we observed na hindi na siya nahihiyang ipangalandakan ang relasyon niya kay Vic Sotto.

In the photos which came out in Fashion Pulis ay very sweet ang dalawa and it can be deduced from it na they have a relationship. Is Pauleen now allowed to post photos with Vic? Alam kaya ni Vic ang ipinost niyang litrato nila?

With the photos, siguro naman ay wala nang magdududa na magdyowa na nga sina Vic at Pauleen. Aba, nakahawak pa sa bewang ni Pauleen si Vic sa photo na aming nakita, ‘no!

Anyway, going strong naman yata ang relasyon ng dalawa, this despite the chika na until now ay hindi pa rin tanggap si Bossing ng parents ni Pauleen.

Hindi naman daw binabastos ng mga magulang ng TV host-actress si Vic pero ang balita nga, hindi sila boto sa relasyon ng kanilang anak sa may edad na ring comedian.

Siguro, matatanggap lang nila si Bossing kung pakakasalan nga nito si Pauleen, dahil sure na sure na silang mahal nga nito ang dalaga.

( Photo credit to Google )

Read more...