ANDI kay JAKE EJERCITO: Kung hindi ako mahal, di ko ipipilit!


Sobrang naapektuhan talaga si Andi Eigenmann sa pag-uugnay sa kanya sa leading man niya sa latest movie nila na “Momzillas” na si Billy Crawford, siya raw kasi ang third party sa break-up nila ng TV host-actor at ni Nikki Gil.

Sa nakaraang interbyu ni Andi sa “The Buzz” last Sunday, muli niyang nilinaw na hindi totoo na nagkaroon sila ng relasyon ni Billy while shootng their movie “Momzillas.”

“Hindi po totoo ‘yun at sana respetuhin na lang po natin  kung ano ang sagot ni Billy nu’ng first time siya nagsalita. Sana dapat enough na ‘yun kasi sa kanya  mimo nanggaling.

So, if, hindi naman talaga huwag na ipilit,” pahayag ni Andi sa female hosts ng The Buzz na sina Charlene Gonzales at Toni Gonzaga.

Inamin din ni Andi sa tanong ni Charlene na naging concern siya sa issue dahil ayaw niyang makarating kay Jake Ejercito ang intriga at mabigyan ng ibang interpretasyon. Si Jake diumano ang karelasyon ngayon ni Andi.

“Sinabi ko ‘yan on the news nu’ng first time nila akong tinanong. Uhm, naiyak pa ako kasi he’s not based here. At parang ‘yun nga po, alam ko po na meron akong dapat patunayan sa  mga, to certain people.

Kasali po siya doon. I mean, especially sa kanya. So, gusto ko naman pong malaman niya na kahit magkalayo kami hindi naman ako gagawa ng bagay para mag-doubt siya. kaya nasaktan, naging sensitive po ako nu’ng natanong sa akin kung part ba talaga ako ng issue na  ‘yun.

Kasi po, sobrang inaalagaan ko talaga ‘yung pagtitiwala (sa kanya ni Jake),” esplika ni Andi.  Diretsahan tinanong ni Charlene si Andi kung ano ba talaga ang status ng relasyon nila ni Jake ngayon.

“Well, I think from the very beginning pa lang na napag-usapan kaming  dalawa ni Jake, lagi ko pong sinasabi na we are friends. But never po akong nag-hesitate sabihin na, yes, he means a lot to me and he’s special to me,” ngiti niya.

Tinanong ulit ni Charlene si Andi kung parang, “I’ll wait for you, you wait for me too” ang usapan nila ni Jake, “Opo,” tango niya. “Pero syempre para sa akin, ayaw ko naman ipilit ang sarili  ko sa mga bagay na hindi talaga pwede.

Maybe we’re just too young or we’re not ready. Syempre gusto po namin ‘yung situation will be entriely perfect at wala  kaming matatapakan at masasaktan na mga tao.”

Hindi pa raw pwede dahil 23 lang siya at marami pang responsibilities sa buhay  gaya ng kanyang daughter na si Eli at ang kanyang trabaho na priority daw niya, “And at the same time, hindi nga po siya based dito.

Magkalayo kami. He’s studying in London. But yes, he has plans of going back in the Philippines. So, parang let’s see what will happen,” dagdag pa niya.

Anyway, excited na raw si Andi na mapanood ng publiko ang pinaka-nakakatawang pelikula ng taon na “Momzillas” sa direksyon ni Wenn Deramas, showing on Sept. 18 at may premiere night on Sept. 17.

( Photo credit to Google )

Read more...