James Ultimate Guest Mentor ng Popinoy’s final Pop 3 Pop Dreamers; Goals list ni Maine Mendoza, kumpleto na

James Ultimate Guest Mentor ng Popinoy's final Pop 3 Pop Dreamers; Goals list ni Maine Mendoza, kumpleto na

SA nalalapit na “PoPinoy” finals, ang mga natitirang Pop Dreamers ay mabibigyan ng pagkakataong makasama ang Multimedia Prince na si James Reid bilang ultimate mentor sa episode bukas Linggo, Oktubre 24, ng “PoPinoy” ng TV5.

Sa kanyang one-on-one sa mga pop groups, ibinahagi ni James ang kanyang humble beginnings sa industriya at inilahad din sa mga PoPinoy aspirants ang kanyang mga natutunan sa kanyang buhay at career.

Kaya abangan ang 2nd part ng preparations para sa Popinoy special grand finale kasama si James at sa Oktubre 24, 7 p.m. at ang Grand Finale sa November 7 sa TV5!

Anyway, nanatiling tahimik si James tungkol sa kanyang lovelife kahit na alam na ng fans niya kung sino ang nagpapasaya sa kanya ngayon na kasama niya sa production team niya.

* * *

Ang tinaguriang phenomenal star at #DubsmashQueen na si Maine Mendoza ay magpapaalam na sa kanyang daily lifestyle program na “#MaineGoals”, matapos ang labintatlong linggo na puno ng kulitan at katatawanan.

Tampok sa “#MaineGoals”, na nagbukas noong Agosto 2 sa bagong 24/7 local comedy channel ng Cignal TV na BuKo, ang kapana-panabik na mga eksena at paglalakbay ni Maine.

Simula sa pag akyat sa Mt. Kulis sa Rizal noong pilot episode, sa kalesa riding, lodge housekeeping, pag train ng dolphins, at pag ear pierce sa kauna-unahang beses, lahat ng item sa personal na goals list ni Maine ay laging trending sa Twitter.

Panibagong Maine ang matutunghayan sa season-ender ng “#MaineGoals” dahil hindi lang siya basta magiging effortlessly funny at witty gaya ng nakasanayan ng kanyang mga katrabaho.

Sa huling linggo ng programa, mapapanood ang ghost hunting experience ng aktres at ang kanyang party planning skills. Makikita rin kung paano siya magbigay-salamat sa production staff ng #MaineGoals sa pamamagitan ng papremyo na galing mismo sa kanyang bulsa.

Kaya huwag palampasin ang huling linggo ng #MaineGoals sa ganap na 7:30 p.m. gabi-gabi sa BuKo Channel, Cignal TV Channel 2 (Cignal Postpaid Plans 290 pataas, at Prepaid Loads 100 pataas) at SatLite Channel 2 (Loads 49 pataas at Tingi Loads 10, 15, and 25), at sa Cignal Play app via App Store and Google Play.

Related chika:
Maine pangarap ding magkaroon ng sariling farm: Gusto kong magtanim ng kamatis!
Maine rarampa sa bagong lifestyle show ng BuKo channel sa Cignal TV; Pokwang bibida sa ‘Kusina ni Mamang’

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Read more...