Kylie Brakeman kinampihan si Kylie Padilla matapos madamay sa Kylie-Aljur issue

Kylie Brakeman nadamay sa hiwalayang Kylie-Aljur; kinampihan si Kylie Padilla

NALOKA ang American actress-writer na si Kylie Brakeman matapos makatanggap ng mensahe mula sa isang Pinoy netizen.

Mainit ngayon ang usapin ukol sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla at marahil isang netizen ang nakaisip ng kalokohan at dinamay ang ibang mga celebrity na may kaparehas na pangalan  at nabiktima na nga si Kylie Brakeman.

Ipinost ng American actress-writer ang screenshot ng sinend sa kanya ng Pinoy netizen na naglalaman ng art card na may pahayag ni Aljur sa kanyang “breaking silence” post. Tinanong pa ng netizen si Kylie Brakeman ng “Hey kylie whats the truth?”

“I really didn’t know what I was expecting,” saad naman ni Kylie Brakeman.

Ilang netizens naman ang nag-sorry sa ginawa ng kapwa Pinoy.

“OMG. On behalf of the Filipino people, I apologise for my fellow countrymen. They don’t know what they are doing,” saad ng isang netizen.

Isang netizen rin ang nagpaliwanag kung bakit nadamay si Kylie Brakeman sa isyu.

“It’s kind of Filipino meme where you ask people who has the same name and act as if they’re the ones involved,” pagpapaliwanag nito.

Mukha namang wala lang para kay Kylie Brakeman ang pagkakadawit sa isyu at natawa pa.

“Have you guys ever been pranked by an entire country because that’s what the Republic of the Philippines has done to me overnight. This rules hahahaha,” dagdag tweet nito.

Nakatanggap rin ito ng mensahe sa Instagram mula sa isang fake account na nakapangalan kay Kylie Padilla na may mensaheng “Hi Kylie! Stay safe.”

Tila curious sa totoong nangyari, napa-research pa siya ukol sa isyu at pinanigan pa nga ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.

“I love making global news for a current event I only somewhat understand,” sey pa nito kasama ng screenshot ng article mula sa GMA News Online.

“Okay, I think I stand with my girl Kylie Padilla on this one.”

Related chika:
AJ Raval sa hiwalayang Aljur-Kylie: Hindi ako naging third party
American singer-actor David Archuleta proud na ibinandera ang pagiging member ng LGBTQ

Read more...