Ang maging duktora o nurse ang pangarap ni Direk Olive ‘Inang’ Lamasan pero dahil hindi kayang tustusan ng magulang niya ang tuition sa medical field ay kumuha siya ng Commucation Arts sa Maryknoll College na ngayon ay Miriam College na.
Ito ang kuwento ng Head Creative consultant ng Star Cinema kay Toni Gonzaga-Soriano para sa YouTube channel nito na in-upload kamakailan lang.
“I was not happy (sa kurso niya) kasi nga gusto ko maging duktor, maging nurse. But when I was doing masscom I felt joyful, I had fun.
“Tapos one of the board of directors of Maryknoll College at that time saw my picture parang as a graduate of Maryknoll etcetera, so, I was interviewed sa magazine of Bulletin at that time, it was called Bulletin pa. Pinatawag ako and that was when I met Charo (Santos-Concio),” balik-tanaw ni Inang.
Pero kilala na niya noon ang dating Presidente ng ABS-CBN na ngayon ay retirado na. Siya pa rin ang host ng “Maalaala Mo Kaya” na napapanood tuwing Sabado sa TV5, A2Z, Kapamilya Online at iba pang local channel ng Kapamilya network.
“Oo (kilala) my God! Natulala talaga ako. Sabi ko ‘ang ganda pala ng babaeng ito in person.’ I was seeing her in the movies but I never thought she was that beautiful in person,” kuwento nito kay Toni.
Paano ang naging takbo ng pag-uusap nila Inang at Ma’am Charo?
“Tawang-tawa ako kasi siyempre di ba, bida-bida ka, so yeah ingay ko! The first question that she asked me was, ‘tell me about yourself.’
“So, sabi ko well ganyan-ganyan, I’m Olive blah-blah boka-boka ganyan. Ang lakas ng boses ko. Tapos biglang nagsalita siya sabi niya, ‘okay.’
“Tapos she fired the next question. My God that’s when I realized ang lakas pala ng boses ko at napakahina (minuwestra maliit) naman pala ng boses ng babaeng ito, ha, haha,” tumatawang sabi ni direk Olive.
Balik-tanong ni Toni, “Ganyan na si ma’am Charo noon pa man?”
“Yes very, very malumanay but you know she was very, very strong woman akala mo malumanay lang, akala mo mahinhin but really but the power is very tough. Very tough boss, very tough but yet loving boss,” paglalarawan nito kay Ms Charo.
Sabi naman ni Toni na ganito rin ang personalidad ni direk Olive na nakuha niya kay Ms. Charo at ito rin ang unang mentor ng pinagpipitagang direktor.
Nagsimula sa pagiging personal assistant si Direk Olive hanggang sa nakilala na niya at dating head ng Star Cinema na si Ms. Malou Santos na kapatid ni Ms. Charo at dito raw nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.
At dahil nasa production company na si direk Olive ay gusto lang niya ay maging line producer tulad ni Ms. Charo noon.
“Wala sa pangarap ko ang pagdidirek at pagsusulat pero noong habang PA ako, I would notice that Charo would always ask me to read the scripts. Instinctively lang sa akin na when I read the material, I would give her my comments on characterization. Hindi ko pa alam ang salitang character or characterization.
“Sabi ko lang, ‘Chars bakit ganito, ‘tong character na ‘to ginawa niya etcetera – etcetera. And then I would also comment on the structure of the plots, logic ganyan, but I would go by my gut feel.
“So Charo would always assign me sa creative staff pati ‘yung paggawa ng trailer. Kasi nu’ng una pag PA ka, ikaw lahat mula pre-prod hanggang sa promo, iisa ka lang,”pagkukuwento ni direk Olive.
Lahat ng position para sa creative ay naranasan niya hanggang sa napilitan siyang mag-revise ng script ng pelikulang ayaw gawin ni Direk Laurice Guillen dahil hindi niya type ang pagkakasulat ng writer na hindi na mahagilap dahil abala na sa ibang project.
Bilang line producer ay gusto nang matapos ni Inang ang pelikula kaya kinausap niya si Direk Rory Quintos bilang assistant director ni direk Laurice na hintayin lang at nire-rebisa ang script.
At nang matapos ay nagustuhan ito ni direk Laurice, “that’s how I started. And then Direk Laurice discovered na ako ‘yung nagre-revise habang nagbabayad ako ng mga extras at nagpapakain ng mga tao (sa set).”
Hanggang sa kinuha na siyang full time writer sa sa Viva Films na “Ipagpatawad Mo” na piangbidahan nina Christopher de Leon at Vilma Santos na sinuwerteng manalo bilang Best in Screenplay sa Urian Awards noong 1991.
“So, I’m very, very grateful to Direk Laurice kasi if not for her hindi ako naging isang manunulat hanggang pumasok na ako ng ABS-CBN. I joined ABS as executive producer of Goin’ Bananas and then eventulally of the Sharon Cuneta Show while simultaneously still line producing for movies under Vision Films wala pang Star Cinema noon.
“And then later on parang Gabby (Lopez) spoke to Charo and said, ‘you know, we need to open our own movie outfit for ABS-CBN and that was Star Cinema (1993).
“Noong nag-uumpisa ang Star Cinema, it was with Regal (Films). It was with Mother Lily (Monteverde), co-prod. So, malaking bahagi si Mother Lily sa pagtindig sa Star Cinema.”
At dahil kulang ng direktor noon sa Star Cinema kaya doon na naman siya napunta sa pagdi-direk na si Ms Malou naman ang nagsabing mag-direk na siya dahil naniniwalang kaya na niya.
Ang unang pelikulang idinirek niya ay ang “Maalaala Mo Kaya” nina Richard Gomez at Aiko Melendez taong 1994.
Magaling mag-motivate ng mga artista niya si direk Olive kaya natanong siya ni Lea Salonga na idinirek niya sa pelikulang “Sana Maulit Muli”, 1995.
“Nalala ko si Lea Salonga asked me, ‘Olive how do you do it? I have a problem with crying. A lot of directors couldn’t make me cry in Sana Maulit Muli ito. But my gosh, you push the right buttons, so how do you do it?
“Siyempre engliserang Lea Salonga (isip ko), ano na naman ‘to? Speaking in tongues na naman ‘tong batang ‘to paano ko kaya sasagutin ‘to? Sabi ko, ‘ah Divine intervention’ tapos umalis na ako, ha, haha,” masayang alaala ni Inang Olive.
Karagdagang ulat:
6 tips ni Charo para sa mga laging nagtatanong ng ‘kaya ko ba ‘to?’
Pelikula nina Charo at Daniel wagi na naman ng international award; Maja, Empoy magaan katrabaho
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook