Madam Inutz sinorpresa ng house and lot ni Wilbert Tolentino

Momshie Wilbert sinorpresa ng house and lot si Madam Inutz

TINUPAD ng talent manager, vlogger, at philanthropist na si Wilbert Tolentino ang pangarap ng alagang si Madam Inutz na magkaroon ng sariling bahay at lupa.

Sa kanyang latest vlog ay ikinuwento ni Momshie Wilbert na motivational gift niya ito kay Madam Inutz lalo na at papasok ang alaga sa “Pinoy Big Brother” house bilang isa sa mga celebrity housemates at bilang selebrasyon na rin sa kanilang ika-2nd month buhat nang pumirma si Madam Inutz ng kontrata sa ilalim ng management ni Momshie Wilbert.

“Punong-puno ng surprise ang gusto kong maramdaman ni Madam Inutz kasi itong batang ‘to sobrang grateful at sobrang thankful na tao,” saad ni Momshie Wilbert.

Aniya, ang buong pag-aakala ng kanyang alaga ay magkakaroon lamang siya ng contract signing sa Bulacan kaya sila magkikita nina Momshie Wilbert ngunit ang totoo ay ipapakita na ng talent manager ang kaniyang nabiling bahay para sa kanya.

Nang nasa labas na sila ay itinuro na ni Momshie Wilbert ang sorpresa niya sa kanyang alaga.

Agad namang naluha si Madam Inutz at napayakap sa kanyang talent manager.

“Hindi ako makapaniwala,” lumuluhang saad nito. “Ito talaga ang pangarap ko.”

Inokray naman siya ni Momshie Wilbert at sinabing chaka siya sa tuwing umiiyak siya.

Agad namang nilibot nila Madam Inutz ang bahay at punag-usapan nila kung ano ang magiging planong pag-aayos sa naturang bahay.

“Congratulations at pagbutihan mo ang pagpasok mo sa PBB (Pinoy Big Brother). Bigyan natin ng isang malupit na laban. Pag napanalo mo ‘yun, pangalawang balur mo na ‘yun!” sey ni Momshie Wilbert.

Matapos ang kanilang simpleng house tour ay magkasama na ang dalawa sa sasakyan para naman asikasuhin ang pagbabayad ng nasabing bahay at para na rin sa mga dokumentong dapat pirmahan ng social media personality.

Plano rin ni Momshie Wilbert na pagandahin ang nabiling bahay habang basa loob ng PBB house si Madam Inutz at paniguradong ibabahagi rin nila ang lahat ng mga ganap sa kaniyang YouTube account.

Karagdagang ulat:
Madam Inutz, Wilbert kumasa sa life swap challenge
Wilbert pumalag sa patutsada ni Ethel; friendship ba o trabaho ang pipiliin?
Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Read more...