AI AI type dyowain si ALJUR: Pero alam ko ang mga limitasyon!


KITANG-KITA ang happiness ngayon sa mukha at galaw ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa ginanap na pamisa niya para sa birthday celebration ni Virgin Mary sa clubhouse ng Ayala Heights subdivision kung saan din siya nakatira.

Parang nagdadalaga lang si Ai Ai sa hitsura niya sa mass na pinangunahan ng paborito niyang pari na si Fr. Eric Santos.
Doon ay nagsalita rin ang sikat na inspirational speaker na si Bo Sanchez.

Favorite rin kasing basahin ni Ai Ai ang mga libro ni Bo.Nag-match ang hairstyle, make-up at outfit niya that day na bumakat sa kaseksihang taglay ng komedyana ngayon.

Sobrang natuwa naman si Ai Ai sa sinabi namin sa kanya that she looks younger than before. May title na raw ako sa kolum namin biro ng Comedy Queen.

“Ikaw man dumaan sa pinagdaanan ko, hindi ka ba papayat. Ha-hahaha!” sey ni Ai Ai. Dumating naman ang mga malalapit na kaibigan ni Ai Ai sa pa-misa niya for Mama Mary from inside and outside showbiz.

Una naming namataan ang executive ng Kapamilya network na si Deo Endrinal, Nova Villa, Brod Pete at Aljur Abrenica. Ikalimang taon na raw ginagawa ni Ai Ai ang pagse-celebrate ng birthday ni Virgin Mary.

“Every year ‘yan, sine-celebrate ko talaga ang birthday niya. Nagpapa-mass ako pero hindi ko naman pinamamalita. Pero ngayon lang talaga pinaalam sa tao, nagpa-media ako. Kasi marami ang nagkakamali sa September 8 at December 8.

Gusto ko malaman ng tao na ang birthday ni Mama Mary, e, talagang September 8 at hindi December 8. ‘Yung December 8 Immaculate Concepcion ‘yun nu’ng sinabi ng angel sa kanya na ipagbubuntis niya ang ang Anak ng Diyos,” sey ni Ai Ai.

Bagaman it’s a “holy event,” hindi rin nakalusot sa intriga si Ai Ai dahil sa pagdating doon ni Aljur. Minsan nang na-link sina Ai Ai at Aljur. Very open  naman kasi si Ai Ai sa pagka-like niya kay Aljur pero knows naman niya ang kanyang limitasyon.

Inimbita raw niya si Aljur na um-attend sa mass kaya nandu’n daw ang Kapuso star. Bukod doon, may common friend din kasi sina Ai Ai at Aljur. Gusto man naming sabihin, e, ‘di pa napapanahon.

Wait lang muna tayo ng mga kaganapan sa buhay ni Aljur. That’s all I can say. Ha-hahaha!

( Photo credit to Google )

Read more...