Baka ‘iputan’ (2)

Sulat mula kay Francisco ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Problema:
1.      Mag-iisang taon na kami ng girlfriend ko nang magtapat siya na may nakauna na sa kanya.  Itinuro niya ang kanyang first boyfriend na nakauna sa kanya.  Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil ako’y wala pang karanasan sa sex kahit na lalaki ako.
2. Daig pa talaga niya ako.  Kinabahan ako dahil sakaling pakasalan ko siya ay baka iputan lang niya ako kapag kami’y ganap na mag-asawa na at nagsasama na nang legal.  Nanghihinayang ako sa tagal ng aming relasyon at heto na nga ang masamang balita.  Kung siya ang makakatuluyan ko, magiging maligaya kaya ang itatayo naming pamilya?
Umaasa,
Francisco ng Barangay New Isabela, Tacurong City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
       Ayon sa zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.)  at Taurus naman ang girlfriend mo compatible kayo. Ibig sabihin, walang kaugnayan ang virginity sa pagiging magka-compatible n’yong dalawa kung saan dahil nga tugma kayo malaki ang tsansa na kayo na ang magkakatuluyan.
Numerology:
Samantala, ayon sa birth date mo at ng girlfriend mo, tulad sa astrology tunay ngang tugma at compatible kayo. Ibig sabihin, kahit nga sa numerology at astrology talagang tugma kayo sa isa’t isa, at sa bandang huli kayo na nga ang magkakatuluyan.
Luscher Color Test:
Kung asul ang laging isinusuot na kulay ng iyong GF o may roon siyang damit na kulay asul at iyon ang paborito nyong suutin, tiyak ang magaganap— kayo na nga ang magkakatuluyan sapagkat isang babaeng madalas magsuot ng asul at puti ang nakatakda mong mapapangasawa at makakasama habang buhay.
Huling payo at paalala:
Anuman ang panlabas na hitshura ng babae at sabihin na rin nating hindi na siya virgin, wala namang kaugnayan iyon sa ugali niya at sa laman ng kanyang puso. Ganoon din sa pag-ibig, kahit na hindi na virgin ang GF mo kung sadyang mahal ka niya, tulad ng nasabi na, kayo pa rin ang magkakatuluyan at nakatakdang magsama habambuhay, na nakatakdang maganap sa susunod na taon 2014.

Read more...