Ogie Diaz pumalag sa fake news na supporter ni Marcos si Liza

ass=”aligncenter size-large wp-image-295486″ />

KUMAKALAT ngayon ang isang video mula sa TikTok na nagsasabing sinusuportahan ng aktres na si Liza Soberano ang presidential candidate na si Bongbong Marcos.

Ayon kay Ogie Diaz, talent manager ng dalaga, ito raw ay isang malaking fake news!

“FAKE NEWS ALERT!!! Ito talagang mga ito, walang magawa. Bakit hindi ‘yung mga achievements at accomplishment ni Bongbong ang ilatag nyo?

“Bakit nagre-resort kayo sa fake news?” saad ng talent manager.

“Juice ko, ang hindi alam ng mga ito, lalo nilang ipinaparamdam na ito lang pamemeke ang kaya nilang gawin para i-build up si Bongbong. Isip naman kayo ng iba. Yung mas makatotohanan,” dagdag pa nito.

Matatandaang nagpahiwatig ng suporta ang aktres kay Vice President Leni Robredo nang ianunsyo nito ang kaniyang pagtakbo bilang presidente sa susunod na 2022 national elections.

Ibinahagi rin ng aktres ang screenshot sa kaniyang Instagram story at sinabing wala itong katotohanan.

“This is not true. Please help us report the account spreading this false information,” saad ng aktres.

Karagdagang ulat:
Liza nagsalita ukol sa kumakalat na fake news sa kanyang business; may payo sa kapwa business owners
True ba, Liza lalaban sa Miss Universe PH next year matapos matalo si Rabiya?
Arnold Clavio pumalag na sa kumakalat na fake news: Hindi ko na po matiis!

Read more...